Dollar accounts ni Corona, ‘di pwedeng buksan – SC

SA BOTONG 8-5, hinarang ng Korte Suprema ang pagsasapubliko ng foreign currency accounts ni Chief Justice Renato Corona na siyang sentro ng

paglilitis sa Senado kahapon.

Ang resolusyon ng kataas-taasang hukuman ay kaugnay sa isinampang Petition for Certiorari and Prohibition ng PS Bank para mapigilan ang impeachment court sa pagpapalabas ng subpoena laban sa mga bank records ni Corona.

Sa nasabing petisyon, inakusahan ng bangko ang impeachment court na umano’y may pagmamalabis sa kapangyarihan nito.

Base sa umiiral na Foreign Currency Deposit Act, mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagsasapubliko ng mga foreign currency bank accounts kung walang pahintulot mula mismo sa may-ari nito.

Ayon kay SC spokesman Jose Midas Marquez, kabilang sa mga bomoto pabor sa petisyon ay sina Justices Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion, Lucas Bersamin, Jose Perez, Martin Villarama, Jr., Roberto Abad, Beinvenido Reyes at Jose Mendoza.

Ang naghain naman ng dissenting opinion o pagtutol sa desisyon ay sina Justices Antonio Carpio, Maria Lourdes Sereno, Diosdado Peralta, Estela Bernabe at Mariano Del Castillo.

Samantala, ipina-subpoena na rin ng Senate impeachment court ang branch manager ng PS Bank Katipunan, Quezon City, na si Anabelle Tiongson upang tumestigo kaugnay sa bank accounts ni CJ Corona. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.