DOLE, Sinupalpal ni Jinggoy sa Pag-amiyenda sa Kasambahay Law

SINUPALPAL NI acting Senate President Jinggoy Estrada ang pahayag  ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat nang amiyendahan ang bagong Kasambahay Law dahil sa tumataas na reklamo ng mga employers tungkol sa pagbabayad ng kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Sinabi ni Estrada na walang dahilan para amiyendahan kaagad sa ngayon ang nasabing batas at dapat bigyan ng pagkakataon na maipatupad muna ito.

Ayon pa sa mambabatas, kung tutuusin ay pinalakas pa ng Kasambahay Law ang batas tungkol sa pagbabayad ng SSS ng mga employers.

Inihayag ni Estrada na dapat alam ng mga employers ang batas tungkol sa pagpapa-rehistro ng kanilang mga kasambahay sa ilalim ng SSS simula noong 1993 o kahit noong wala pa ang Kasambahay Bill.

“Ignorance of the law excuses no one,” ani ng senador.

Samantala, idinagdag din ni Estrada na kung gusto ng DOLE, ang Implementing Rules and Regulation (IRR) na ipinalabas nito ang dapat amiyendahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “DOLE, Sinupalpal ni Jinggoy sa Pag-amiyenda sa Kasambahay Law

  1. Thеse can be forgotten, since piρes arе usuallу
    hidden аway, but checking for leаkѕ anԁ сгacks can help
    уou iԁentіfy а small problem bеfoгe a big problem
    ocсurs. Emergеncy plumbing sеrvices in Tamрa often
    deal with ѕewagе гelated prοblems.

    The main issue with ωаter pipеs on the іntеrioг οf a homе іs theiг lосatіon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.