DOLE, Naglaan ng P13-M Ayuda sa mga Binaha

 

NAGLABAS NG kabuuang P13 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang inisyal na ayuda sa mga nasa-lanta ng baha na dala ng Habagat noong nakaraang linggo.

Tinatayang aabot sa higit P8.8 milyon ang inilaan ng DOLE para sa emergecy employment fund sa may 5,800 manggagawa na binaha sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, susuwelduhan ang mga binahang manggagawa bilang tulong sa paglilinis ng mga basurang inanod ng baha.

May paunang P3.5 milyong pondo rin ang inilaan sa Region IV-A na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Rizal, Laguna at Cavite na pagkakalooban ng tulong panghanapbuhay disadvantage worker o (TUPAD) na programa ng DOLE.

Samantala, naglaan din ng inisyal na P1 milyon pondo para sa Region 3 at humihingi pa ng karagdagang P3.8 milyong ayuda para sa mga biktima ng baha sa Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac at Bataan.                      (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.