DOLE: 13th Month Bonus, Dapat Ibigay

NAGBIGAY-PAALALA ANG Department of Labor and Employment (DoLE) sa mga pribadong kumpanya na bayaran ang kanilang mga manggagawa ng 13th month pay bago sumapit ang Disyembre 24 bilang Pamasko.
Ito ang direktiba ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa Labor Advisory No. 12, na nagsasaad na ang 13th month pay ay alinsunod sa Presidential Decree No. 851.
Sinabi ni Baldoz na ang 13th month pay ay ibinabayad bago o mismong sa Disyembre 24 ng bawat taon.
Dapat lang, aniya, na ibigay nang maaga ng mga employer ang bonus ng kanilang mga manggagawa para maiwasan ang apurahang pamimili ng regalo para sa Pasko.
Ayon pa kay Baldoz, dapat na bayaran ng mga employers ang mga empleyado ng kalahati ng 13th month benefit ng mga ito bago ang Kapaskuhan, sa regular school year sa Mayo o Hunyo, at ang nalalabi ay sa Disyembre 14.
“However, the 13th month pay becomes due and demandable if it is not paid after December 24,” ayon pa sa DoLE.
Pinaalalahanan din ni Baldoz ang mga empleyado sa pribadong sektor na may karapatan sila sa 13th month pay, kahit ano pa ang kanilang posisyon sa kumpanya.
Nagbigay rin ng babala si Baldoz na ang mga employer na hindi nagbayad ng 13th month ay dapat na ireklamo at kasuhan sa alinmang DoLE regional office.
“From 88.23 percent in 2011, compliance with payment of the 13th month benefit shot up to 94.76 percent in 2012, and to 94.92 percent as of October of 2013,” dagdag pa ng kalihim kalihim.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “DOLE: 13th Month Bonus, Dapat Ibigay

  1. TOTOO NAMAN ‘YAN…KAYA SA MGA EMPLOYER, UTANG NA LOOB PO, MAKUNSENSIYA NAMAN KAYO! MERON NGA AKONG ALAM, HANGGANG NGAYON EH, WALA PA SILANG 13TH MONTH PAY, ANONG PETSA NA NOH! ANG TAMAAN PIKON HAHAHAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.