Doktor na Sangkot sa Vehicular Accident, Pumatay ng 2 Katao

DEAD ON THE spot ang dalawang lalaki makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang kotse sa Butuan City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Florencio Lagahit, 26 anyos ng Purok 2, Los Angeles at Alexander Escaposa, 52 anyos ng Purok 13, Barangay Sumilihon, Butuan City.

Ayon kay SPO1 Zaldy Undangan, investigator ng Butuan City Police Station 4, head on collision ang naganap na aksidente, kung saan nagbanggaan ang XRM single motor na sinakyan ng mga biktima at Mazda B2200 na minamaneho ni Dr. Dominador De Castro, 57, residente ng 2nd St. Pareja, Brgy. Bayanihan ng nasabing siyudad.

Patungo sana sa kanyang farm sa Cabadbaran City ang  doktor habang bibili naman ng kahoy sa Sumilihon ang mga biktima.

Subalit pagsapit ng National Highway ay naganap ang malagim na insidente.

Tiniyak naman ni De Castro na kanyang sasagutin pagpapalibing sa mga biktima kasabay ng pagharap sa  kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide.      (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.