Doktor na nangmolestiya sa 3 empleyado, kalaboso

DAVAO CITY – PORMAL ng sinampahan ng kaso ng City Prosecution Office (CPO) ang isang doktor kaugnay ng umano’y pangmomolestiya nito sa kanyang tatlong empleyado nitong taon lamang.

Nakakita sila ng probable cause para sampahan ng kasong four counts ng Acts of Lasciviousness si Dr. Jose Mario B. Maximimo, chief operating officer sa Davao Doctor’s College Inc. (DDCI), ayon kay Prosecutor Mariam Linsangan.

Ito ay batay sa affidavits at testemoniya sa tatlong complainants na kinilalang sina Jocelyn Uy, Jefferlyn Huerbana at Gennil Mae.

Base sa pahayag ng mga biktima, mula nang mangyari sa kanila ang pangmomolestiya ng doktor ay hindi na sila nakatulog nang maayos at nagsimulang makaranas ng emotional stress.

Inihayag din ng mga biktima na tinakot pa sila ng nasabing doktor nang malamang nagsampa sila ng reklamo laban dito.

Samantala sa kanyang counter-affidavit, iginiit ni Dr. Maximimo na hindi totoo ang nasabing alegasyon laban  sa kaniya.

Inirekomenda naman ng CPO ang pagbabayad ni Linsangan ng P48,000 sa tatlong biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.