Doktor, Hinoldap Habang Nagwi-Withdraw

UMAABOT SA P10,000 ang natangay ng mga holdaper sa isang doktor sa Cotabato City kamakailan.

Kinilala ang nasabing biktima na si Dra. Tench Mancenido Lagumen, 34, na nagtatrabaho sa Cotabato Regional and Medical Center.

Sinabi ng biktima na katatapos lamang niyang mag-withdraw ng pera sa isang ATM machine nang magdeklara ng hold-up ang isang lalaki na nasa likuran nito.

Nang maibigay umano ang pera, agad siyang pumasok sa kanyang sasakyan hanggang sa makarating sa ligtas na lugar.

Samantala, inaalaam pa ng mga kinauukulan kung sino ang mga sa-larin sa  panghoholdap.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.