Doktor at Asawa, Todas sa Pamamaril

DEAD ON arrival sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang isang doktor at ang asawa nito matapos tambangan ng hindi nakilalang armadong  kalalakihan sa kahabaan ng Naguilian-Baguio Road sakop ng Sitio Bugnay, Brgy. Acao, Bauang, La Union kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Bauang Police Station ang mga biktima na sina Dr. Mario Valera, 50, at ang misis nito na si Viana Valera, 48, kapwa residente sa bayan ng Bangued, Abra.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa mga biktima.

Nabatid na papauwi na umano ang dalawa sa kanilang tahanan sa Bangued sakay ng isang sports utility vehicle nang barilin ito ng suspek.

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, isang cal. 38 na baril ang ginamit sa pamamaril.

Kaugnay nito patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng naturang  pamamasalang sa mag-asawang biktima.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.