DoJ VS SC, Iimbestigahan ng kamara

 

NAIS IMBESTIGAHAN SA Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagmamatigas ng Department of Justice (DoJ) na kilalanin ang kautusan ng Supreme Court (SC) na payagang makalabas ng bansa ang dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Maghahain umano sila ng resolusyon sa mababang kapulungan para pagpaliwanagin si Justice Sec. Leila de Lima sa aksyon nito, ayon kay Minority Floor Leader at Albay Rep. Edcel Lagman.

Nais umano ng kongresista na ipatawag ng House committee on good government and public safety si De Lima at pagpaliwanagin.

Una nang nangangamba ang mambabatas na posibleng mauwi sa constitutional crisis ang patuloy na banggaan ng ehekutibo at hudikatura.

“If the secretary of justice remains adamant and defiant of the SC TRO, then we are heading to a constitutional crisis at the instance of the executive department,” ani Lagman.

Maliban dito, pinag-aaralan na rin umano ng mga kaalyado ni Arroyo sa Kamara ang paghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulong Benigno Aquino III.

Sinusuri na umano nila kung pasok sa “culpable violation of the Constitution” ang malinaw na pagsuway ng Malacañang sa kautusan at kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman, dagdag pa ni Lagman. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “DoJ VS SC, Iimbestigahan ng kamara

  1. Hoy Mr. Edcel Lagman, subukan mong mgfile ng impeachment complaint at nang mablacklist ka ng taumbayan sa darating na eleksyon…Let’s make a facebook page to Blacklist tong mga pinaliguan ni Arroyo ng pera…..wag nyong hadlangan ang katarungan para sa taung bayan, ang TANDA mo na Mr. Lagman…Umaayos ka naman baka di mo makasama si Ana Manalastas!

  2. Kahanga-hanga si sec. de lima, yan ang kailangan ng ating bansa.  Siya p ang dapat pag-paliwanagin? d b dapat ang supreme court ang mgpaliwanag? halatang-halata n ang mga pabor npara k mrs. Arroyo (d dpat pres.kc nging pres siya ng una dhl gnamitan nya ng utak para mapaba2 c erap at yng pangalawa dinaya nya si fpj) ay my tuta nya, mga midnight appointee nya bago sya bumaba s ninakaw nyang pwesto. Harapin n lang sana n mrs. Arroyo ang kanyang mga kaso at wag ng hayaang mgkagulo p ang mga pilipino. Ubusin n lng nya ang mga ninakaw nya s mga kaso nyang haharapin. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.