DOJ: Sabah Issue, Walang Epekto sa Extradition Kay Amalilio

TIWALA SI Justice Secretary Leila De Lima na walang magiging epekto sa extradition kay Aman Futures Group Inc. founder Manuel Amalilio ang mainit na isyu sa Sabah, Malaysia.

Ayon kay De Lima, kinikilala ng Malaysia na mas malaki ang kinakaharap na kaso ng utak sa likod ng tinatayang P12 bilyong investment scam sa Pilipinas kaysa sa kaso nitong paglabag sa Passport Law roon.

Inamin din ng kalihim na hindi natuloy ang pagbiyahe ngayong linggo ng ilang prosecutors patungo sa Kuala Lumpur dahil wala roon ang kanilang Attorney General.

Samantala, ibabase ang ihahaing extradition request ng Department of Justice (DOJ) sa batas ng Malaysia.

Nahaharap si Amalilio at ilan pang opisyal ng Aman sa mga kasong syndicated estafa dahil sa pyramiding scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.