DoJ, Iaapela ang Pagbasura sa Kaso ni Michael Ray Aquino

INATASAN KAHAPON ni Justice Secretary Leila de Lima ang panel of prosecutors na may hawak sa kaso ni dating Col. Michael Ray Aquino na magbuo at pag-aralan ang petisyong ihahain kontra sa naging desisyon ng korte na nagbabasura sa kaso ng akusado sa Dacer-Corbito doube murder case.

Sa isang panayam, sinabi ni De Lima na kanilang i-aapela sa Court of Appeals (CA) ang paglaya kay Aquino.

Sa naunang desisyon kasi ipinag-utos ni Manila RTC Judge Carolino Sison ang agarang pagpapalaya kay Aquino.

Kaugnay nito, nabigla umano ang kalihim sa naging desisyon ng Manila RTC na nagbasura sa double murder case laban kay Aquino.

Ayon kay De Lima, bagama’t kahapon pa nailabas ang kautusan ng Manila RTC ay hindi pa rin niya nakikita ang nilalaman ng desisyon.

Una nang nanindigan ang kampo ni Aquino na nabigo ang prosekusyon na patunayan ang pagkakadawit nito sa pagpatay sa publicist na si Bobby Dacer at Emmanuel Corbito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.