DOJ, Dumipensa sa ‘Di Pagkakahuli Kay Napoles

HINDI NA ikinagulat pa ni Justice Secretary Leila de Lima ang ginawang pagsuko ni Janet Lim-Napoles kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III matapos na makumpirma ang surrender feelers mula sa kampo ng negosyante.

Ayon kay De Lima, ang desisyon ng kampo ni Napoles na sumuko kay Pangulong Aquino ay dahil hawak ng NBI ang mga whistleblowers na direktang nagtuturo sa negosyante na umano’y nasa likod ng kontrobersyal na pork barrel scam.

Nilinaw rin ni De Lima na hindi kasama ang DoJ at NBI sa negosasyon kaugnay ng pagsuko ng negosyante.

Sa kabilang dako, dumipensa naman ang kalihim sa usapin ng hindi pagkahuli kay Napoles dahil sa ginagawa naman aniya ng NBI team ang paghahanap sa negosyante lalo na sa mga lugar kung saan may impormasyong nagtatago ang itinuturong utak sa naturang scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.