DoJ: Delfin Lee, Pugante Pa Rin

NANANATILING PUGANTE pa rin ang developer na si Delfin Lee sa kabila ng pag-abswelto ng Court of Appeals sa kasong syndicated estafa at pagpapawalang-bisa sa warrant of arrest na inilabas ng hukuman sa Pampanga.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima na nananatili pa rin ang bisa ng arrest warrant dahil hindi pa naman pinal ang ipinalabas na resolusyon ng appellate court.

Hinggil dito, inihayag ni De Lima na maghahain sila sa CA ng motion for reconsideration sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General para hilinging baligtarin ang nauna nitong desisyon.

Samantala, nag-ugat ang nasabing kaso kontra kay Lee sa mahigit P7 bilyong maanomalyang pautang na inaprubahan ng Pag-IBIG Fund para sa mga bumili ng bahay sa housing project ng kum-panya sa Mabalacat, Pampanga pero natuklasan na ang mga ito ay ghost borrower.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.