DOJ at NBI, Dawit sa Tangkang Pangingikil kay Napoles

DAWIT NA sa isyu ng pangingikil kay Janet Lim-Napoles ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI).

Isiniwalat na ni Lorna Kapunan, abogado ng binansagang reyna ng pork barrel scam ang alok na pagbasura sa kaso ng kliyente kapalit ng P300 milyon.

Base sa isang tanong sa Twitter: I heard that the NBI asked Napoles for money so that the charges against her will appear as if it never happened and Napoles refused. Is it true?

“Yes, P300 million,” sagot ng abogado.

“I will not name now but whoever the person who came forward said that it was for this whole case to disappear. Sadly, it covered not only the NBI but also the DOJ,” ayon pa kay Kapunan.

Aniya, may tape silang makapagpapatunay sa alok na ito na tinanggihan ni Napoles.

Kaya rin aniyang tukuyin ng kontrobersyal na negosyante kung sino ang nasa likod nito.

Samantala, una nang inihayag ng kampo ni Napoles ang pangingikil ng P300 milyon ng pamilya ni Benhur Luy, pangunahing whistleblower, kapalit ng umano’y pagtahimik nila.

Ibinunyag din ni Kapunan na kabilang sa mga nagbabanta sa buhay ng kanyang kliyente ang ilang kamag-anak nito, pati mga pulitiko.

Samantala, tumanggi na si Kapunan na tukuyin kung kongresista o senador ang mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.