DOH: Tigdas, lalala pa sa summer

TATAGAL PA hanggang sa summer ang outbreak ng tigdas sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Health Sec. Enrique Ona, sa kabila ng kanilang massive vaccination drive para sa inisyal na 12 milyong kabataan.

Lumalabas sa pag-aaral na ang peak ng measles ay sa pagpasok ng tag-init, kung saan mas mabilis ang development ng natu-rang virus.

Dahil dito, nagpulong na ang city health officers sa Metro Manila para agad na masimulan ang maramihang pagbabakuna.

Sa pinakabagong impormasyon ng DoH, 1,724 confirmed cases nationwide, kung saan 744 sa mga ito ay mula sa Kamaynilaan.

Maging ang World Health Organization (WHO) ay nakaantabay din sa naturang sitwasyon ng measles outbreak sa bansa, matapos makahawa ang isang Pinoy sa i-lang mananayaw ng New Zealand at Australia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.