DOH, Nagbigay-Alerto Kontra Corona Virus

INATASAN NA rin ng Department of Health (DoH) ang mga pampublikong ospital sa buong bansa na mahigpit na i-monitor ang mga pasyenteng may sintomas ng sakit mula sa novel corona virus na nagmula sa United Kingdom.

Sinabi ni DoH spokesman Dr. Eric Tayag na nais lamang na tiyakin na walang nakapasok na ganitong klase ng virus sa bansa na maaa-ring ikamatay ng isang pasyente na may mga sintomas ng lagnat, ubo, kinakapos ng pahinga at maraming iba pa.

Napag-alamanrin na umaabot sa apat na panibagong kaso ng SARS-like virus na kung tawagin ay corona virus, ang natukoy sa Saudi Arabia at Qatar.

Ito ay base sa na-ging kumpirmasyon ng World Health Organization (WHO).

Sinabi pa ng WHO na dalawa na rin ang kumpirmadong nasawi dahil sa naturang virus, pawang mula sa Saudi Arabia.

Matatandaan na noong Setyembre ay nagpalabas ng international alert ang WHO kaugnay sa misteryosong virus.

Samantala, dagdag pa ng WHO na ang pagkakatuklas sa panibagong kaso ay bahagi umano ng enhanced surveillance ng ahensiya sa  Saudi Arabia.

Tatlo sa apat na mga kaso ay mula sa Saudi habang isa naman sa Qatar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.