DOH, Nagbabala Kontra E-Cigarette

NAGBABALA ANG Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa paggamit ng e-cigarette dahil posibleng makasama sa kalusugan ng tao ang kemikal na inilalalagay dito.

Sinabi ni DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na hindi makatutulong ang e-cigarette sa taong gustong ihinto ang paninigarilyo sa dahilang hindi nakasisiguro kung anong kemikal ang ginamit dito.

Maaaring mapa-nganib ang paggamit dito dahil baka diretso pa ito sa baga, giit ni Tayag.

Payo ni Tayag sa mga gustong tumigil sa paninigarilyo na uminom na lamang ng mga anti-nicotine drugs.

Naaalarma naman ang DOH sa paglalaa-nan ng mga e-cigarettes partikular sa mga kabataang nagsisimula nang manigarilyo.

Ayon kayTayag, ang e-cigarette ay isang mechanical device na walang tobacco o tar at gumagana lamang sa pamamagitan ng rechargable battery.

Samantala, inaasahan na magpalabas ng guidelines ang DOH at Food and Drugs Administration sa paggamit ng e-cigarettes sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.