DoH: Dengue Kontrolado pa Rin

HINDI NAGPAPABAYA ANG mga health officials sa tulong na rin gobyerno sa pagpuksa sa pagkalat ng dengue sa bansa sa kabila ng pagkakaratay ng mahigit 60,000 Pilipino sa nasabing sakit sa loob ng walong buwan at inaasahang aabot sa humigit-kumulang sa 80,000 ngayong taon.

Sa pahayag ni Health Secretary Enrique Ona sa Malacanang, patuloy na nangunguna ang Department of Health (DoH) upang sugpuin ang dengue problem sa bansa.

“We would like to reassure you that, yes, we are at the peak, or going down the peak of the incidence of dengue. We are on top of it and the administration and the DOH are fully aware of what’s going on, and we will extend all the help needed,” ayon kay Ona.

Nakausap rin ni Ona ang Pangulong Benigno Aquino III na isa sa mga nagbigay ng karapatan na gamitin ang impluwensya ng gobyerno upang makatulong sa laban para sa nasabing deadly disease na sa kasalukuyan ay nakapagligtas na ng 465 na Pilipino.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.