DoH, Bigo sa Kampanya Kontra Paputok

BIGO ANG Department of Health (DoH) sa kanilang kampanya upang mapababa ang bilang ng mga naging biktima ng paputok sa buong bansa sa kabila ng anti-firecrackers campaign.

Napag-alaman na sa pinakahuling record ng DoH, 739 na ang bilang ng mga naputukan kabilang na ang 712 na biktima ng paputok, 22 sa indiscriminate firing, habang lima naman ang nakalunok ng pulbura ng paputok.

Kaugnay nito, sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na kanilang imumungkahi ang total ban sa paggamit ng mga paputok dahil sa dami ng kababayang naapektuhan ng insidente na kadalasan umano ay mga menor de edad.

Piccolo pa rin ang na-ngungunang dahilan ng pagkasugat ng mga biktima, na sinundan ng kwitis, fountain, five star at luces lalo na sa National Capital Region (NCR) na nasa 422, Ilocos na may 58 at Central Luzon na may 53. Samantala, hanggang sa Enero 5 pa tatagal ang pagbibilang ng tanggapan sa mga biktima ng naputukan.

Ipinag-utos na ni PNP chief Gen. Nicanor Bartolome ang pagsasampa ng kasong administratibo, kasong kriminal at pagtatanggal sa serbisyo sa mga pulis personnel na nagpaputok ng kanilang mga baril.

Kinilala ang nasabing mga sangkot sa indiscriminate firing na sina PO1 Lloyd Fernandez, PO2 Fulgencio Sedeco na nakatalaga sa Manila Police District, Corporal Reynold Reyes mula sa Armed Forces of the Philippines Region 6, security guard Noel Briones sa Region 10 at PO2 Efren Dimaiwas na umano’y nagtatago na. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.