Dog club officers sa malamig na rehas kung ‘di nag-bail

 

MATAPOS MAGLABAS NG arrest order ang isang Quezon City court, nagpiyansa na ang limang matataas na opisyal ng Philippine Canine Club Inc. (PCCI), ang pinakamatandang purebred registering organization sa bansa.

Sa kanyang Oktubre 25, 2011 na desisyon, ipinag-utos ni Presiding Judge Edgardo B. Bellosillo ng Branch 36 ng Metropolitan Trial Court sa Quezon City, ang pagdakip kina Ronnie Natividad, dating president at kasalukuyang VP, Rolando Gapus, dating vice president at kasalukuyang director, Florentino Bustos, corporate secretary, Johnny Filart, dating treasurer, at Joselito Rosales, general manager, sa paglabag ng Section 74 na may kaugnayan sa Section 144 ng Corporation Code (nine counts). Sa pamamagitan ng PCCI, nagpiyansa ang limang opisyales ng P90,000.00 bawat isa na umaabot sa kabuuang piyansa na P450,000.00 (ang bawat count ng paglabag ay may pataw na piyansa na P10,000.00)

Binagyan ng hukom ng due course ang instant complaint/ criminal case na isinampa ng mga complainants, Nelson Uy, Rommel Aviles, Lucianne Cham, Fe Lanny Alegado, Jester Ongchuan, Primo Co Sr., Francisco Ong, Esperanza Ong at Joseph Ongchuan, mga bonafide PCCI members, na ‘di pinahintulutan ng defendants na makita ang records ng PCCI. Sa ilalim ng Section 74 na may kaugnayan sa Section 144 ng Corporation Code, ang isang stockholder o kasapi ng isang corporation ay ginagarantiyahan ng karapatan upang inspeksyunin, suriin at i-photocopy ang records ng naturang corporation. “In regard thereto , Section 144 of the Corporation Code declares as a criminal offense any such violation of Section 74, and, at the same time, imposes the penalties of fine and/ or imprisonment for such violations,” ayon sa korte.

Ang mga complainants, sa kanilang pagsisikap na malaman ang mga nangyayaring losses ng PCCI sa pangkalahatan, at tungkol sa maanomalyang milyung-milyong pisong transaksyong kinasasangkutan ng dating treasurer ng PCCI, si Danny Ramillano, ay nagpasiya na suriin at inspeksyunin ang pertinent records/books ng nasabing samahan na ipinaalam nila sa mga respondents bilang responsible officers ng PCCI sa kanilang sulat na may petsang Enero 26, 2009. Bago pa ang intended date of examination noong Pebrero 3, 2009, nagpadala ng sulat ang respondents sa complainants na may petsang Pebrero 2, 2003 (sic) na ipinapaalam sa kanila (complainants) na hindi sila papayagan sa nakatakdang inspection at examination ng corporate records sa dahilang nakasaad sa sulat. Ganunpaman, ang mga complainants  at ang kanilang duly-authorized representatives ay nagtungo sa PCCI’s office sa appointed day and time upang i-exercise ang kanilang right of inspection, subalit sinabihan sila na hindi sila papayagang mag-examine at mag-inspect ng anumang dokumento kailangan nila sa kanilang sulat nung Enero 26, 2009.

Pinuna ng korte ang depensa ng respondents na kaya nila ‘di pinahintulutan ang hiling ng complainants na inspeksyunin ang records ng PCCI dahil sa audit na isinasagawa ng audit team nito na Punongbayan & Araullo hung panahong sumasakop sa Pebrero 3, 2009 at dahil ang ilan sa mga complainants ay may mga ginawang “acts inimical and prejudicial to the interest of the PCCI” pagrerehistro ng kanilang mga aso sa o pagsali sa dog shows ng kalabang club. (‘Di kalaunan, karamihan sa mga complainants ay pinatalsik ng PCCI Board  na ang paraan at motibo ng naturang pagpapatalsik ay hinahamon ng una sa mga kasong isinampa nila laban sa PCCI sa korte).

Ang request ng mga complainants para inspeksyunin ang records ng  PCCI records ay bunsod ng anomalyang kinasasangkutan ng dating treasurer ng PCCI na si Danny Ramillano na nadiskubre ng bagong halal na director ng PCCI, si Atty. Joe Leynes, CPA, noong 2008. Nalaman ni Atty. Leynes na P7-M ang nawawala sa pondo ng the funds of the organisasyon. Ang kanyang imbestigasyon ay natunton ang 33  checks na diumano’y na-encash ni Remillano sa loob ng walong buwan.

Nais ng ilang concerned members ang isang masusing imbestigasyon upang mabura ang kanilang pagdududa sa posibleng cover-up. Sinabi ng PCCI Board na ginawa ito ni Ramillano “on his own” kaya kinasuhan siya ng PCCI Chairman ng estafa.

Karamihan sa kasapi ng PCCI ay labis na nababahala sa mga ganitong pangyayari at hinahamon ang PCCI Board na sagutin ang mga sumusunod:

Bakit umabot ng walong buwan bago madiskubre ang mga kabulastugan ni Ramillano? Si Ramillano lang ang pinanagot sa nawawalang pondo. Wala man lang sa isa sa mga staff na nagpe-prepare at nagre-release ng checks kay Ramillano ang kinasuhan bilang kasabwat. Di kapani-paniwala para sa PCCI Board sa kanilang paninindigan na walang sinuman sa buong organisasyon ang may alam sa mga gawain ni Ramillano sa laking halaga na kanyang kinulimbat at bakit siya sinampahan lang ng PCCI ng isang mahinang kaso ng estafa through falsification of commercial document sa halip na qualified theft na non-bailable.

Ang pahayag ni Florentino Bustos, ang co-signatory ng checks, na ang kanyang pirma ay pinalsipika. Paano dumaan ang 33 checks sa istriktong check verification process ng Metrobank at bakit hindi agad naireport o kinuwestiyon ito nang ang mga checks ay binalik sa PCCI, kasama ang monthly statement.

Ang P7-M ay ‘di pa na-rerekober hanggang ngayon. Si Ramillano ay nananatiling malayang tao at laging dumadalo at lumalahok sa dog shows ng PCCI. Ang kanyang  facebook page ay may mga larawan niya sa mga shows na dinaluhan ng  PCCI officials and directors.

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.