DOE, Tiniyak na Sapat ang Suplay ng Kuryente sa Luzon

TINIYAK NG Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente sa Luzon matapos sabay-sabay na magkaaberya ang limang planta noong Biyernes.

Una nang inalis ang “yellow alert” ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kahapon na matatandaang itinaas noong isang linggo.

Ayon kay DOE Usec. Ina Asirit, ang isinagawang pagtataas ng ‘yellow alert’ ay para sa reserba at hindi sa kasalukuyang suplay ng kuryente.

“Ang ibig sabihin lang po kasi ng ‘yellow alert’ ay hindi po naabot ang reserba na kinakailangan at any particular time. Pero hindi naman po ito sa kabuuan ng buong araw, may mga ilang oras lang po. Kung kailan inaakala na pinakamataas ang pangangailangan ng kuryente, maaaring hindi umabot doon ang reserba.”

“Hindi po ito tungkol sa supply para roon sa mismong demand but on the reserved requirement lang po kaya nagkakaroon ng alert level,” ani Asirit.

“Bagama’t nagkaroon ng mga alert levels na tinatawag po nating ‘yellow’ ay natutugunan naman po ang pangangailangan ng kur-yente sa mga panahon na ito,” dagdag pa ni Asirit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.