DOE: Sabwatan ng Power Suppliers, Iniimbestigahan Na

HINIMOK DIN ni Energy Usec. Raul Aguilos ang iba pang ahensya ng gobyerno na tulungan sila sa im-

bestigasyon hinggil sa anggulong sabwatan ng power suppliers kaya pumalo sa P4.15 ang taas ng bayarin sa kuryente.

Sinabi ni Aguilos na maging si Energy Sec. Jericho Petilla ay nagulat sa napakataas na dagdag sa na singil ng Meralco  na itinuturing na all time power rate hike.

Maging ang mga mambabatas ay naniniwalang hindi napapanahon ang ganito kataas na power rate increase dahil sa mga problemang kinakaharap ng bansa at ng taumbayan.

Inihayag ni House committee on energy chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na masyadong teknikal ang usapan ukol sa power hike kaya kailangang maipaliwanag ito ng simple at wasto sa mga maaapektuhan ng pagtataas ng singil.

Para naman kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, hindi katanggap-tanggap ang mga paliwanag dahil mistulang nakaplano ang simultaneous unscheduled plant shutdowns ng mga power plants.

Tiniyak rin ng DoE na pananagutin ang matutuklasang nagkaroon ng sabwatan kung sakaling ito ay mapapatunayan sa im-bestigasyon.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.