DOE: Pagrepaso sa Committee Report, Welcome

INAASAHAN NA umano ng Department of Energy (DOE) ang reaksyon ng transport sector sa findings ng Independent Oil Price Review Committee na nagsasabing walang naganap na overpricing sa presyuhan ng petroleum products sa bansa.

Ayon kay DOE oil industry management bureau director Zenaida Monsada, bagama’t umaasa silang maliliwanagan na ang lahat sa isyu ng oil price hike, aminado itong hindi pa rin maiwasan ang pagkontra dito ng ilang interest groups.

“At the least, there should be fewer protests now that people know we have a basis [for increasing fuel prices] and that we are not defending the oil companies,” ani ng opisyal.

Una rito, binatikos ng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ang naturang committee report.

Sinabi ni Piston President George San Mateo na plano umano nilang repasuhin ang resulta ng pag-aaral at aalamin din aniya nila kung paano ito isinagawa.

Naniniwala ang opisyal na ginamit na batayan ng komite ang international spot market price sa pagsagawa ng kompyutasyon.

“Purchase cost can only be seen by scrutinizing their supply contract,” ani ni San Mateo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.