DoE, Ipinagtanggol ang Oil Price Hike

PINATUNAYAN NG Department of Energy (DoE) na tama lamang ang presyo na itinaas ng ilang kumpanya ng langis sa kanilang presyo ng produktong petrolyo ngayong bagong taon.

Tumaas kasi ang presyo ng langis sa international market bunsod ng mga kaguluhan sa Gitnang Silangan dahilan upang maapektuhan ang supply ng produktong petrolyo, ayon kay Energy Usec. Jay Layug.

Una rito, kahapon ng madaling-araw ay nagpatupad ng panibagong paggalaw sa presyo ng langis ang Shell Pilipinas.

Karagdagang P0.90 kada litro ang itinaas ng Shell sa unleaded gasoline, P0.60 sa regular gasoline, P0.30 sa diesel at P0.20 sa kerosene.

Hindi naman kasama ang Cagayan de Oro at Iligan City sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo na una nang sinalanta ng kalamidad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.