DJ ng FM Radio, Sugatan sa Saksak

AGAD NA isinigod sa isang pagamutan sa bayang ito ang isang block time disk jockey ng Radyo Natin FM makaraang pagtulungan bugbugin at saksakin ang walong kalalakihan habang nasa loob ng compound ng Pergola Bar and  Restaurant sa Iba, Zambales.

Kinilala ang biktimang si Oliver Llamas, nasa hustong gulang, miyembro ng Central Luzon Media Association (CLMA).

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-12:00 ng hating gabi nang dumating ang biktima, umano’y lango sa alak bigla na lamang umano itong namalo ng bote at mang-agaw ng microphone sa grupo ng kalalakihan na dahilan upang pagtulungang gulpihin, at saksakin ng mga nakaalitan nito na mga kawani ng Engineering Office ng National Grid Corporation of the Philippines.

Nabatid na bigla na lamang umano pumasok ang biktimang si Llamas sa compound, na mistulang maton ang asta sa mga empleyado ng restaurant.

Ayon naman sa mga empleyado ng restaurant, handa silang tumestigo, at ipakita ang kuha ng CCTV upang mas mapabilis ang pagresolba sa naturang kaso.

Gayunman, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa naturang pangyayari.

(TONY DELA PEÑA)       

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.