DJ Mo Twister, naubusan ng datung sa London!

IBA TALAGA ANG galing ng Pinoy.

After Manny Pacquiao, isang Pilipino naman ang na-feature sa Jimmy Kimmel Show sa US. At ito ay si BM, ang contestant sa Pilipinas Got Talent na umani ng paghanga dahil sa kakaiba niyang talento.

Si BM, short for Big Mouth, ay kumanta ng ‘Banal na Aso, Santong Kabayo’ sa PGT at talaga namang na-impress ang judges na sina Ai-Ai de las Alas, Freddie Garcia at Kris Aquino sa kakayahan niyang gayahin ang boses ng kabayo at iba pang mga hayop.

Ang nakatutuwa sa introduction ni Jimmy Kimmel kay BM ay ito: tinawag niyang Susan Boyle of the Philippines si BM. Bagama’t may edad na, si Susan ay sumikat nang husto sa Britain’s Got Talent at na-impress niya si Simon Cowell na isa sa mga judges.

“This is a video from the Philippines. They have their own of the show of America’s Got Talent.This is the Susan Boyle of the Filipino version of the show. It’s a young person named BM. BM is short for Big Mouth. Here’s a little taste of BM,” pag-i-introduce ni Jimmy kay BM.

Joel Amper ang tunay na pangalan ni BM na nakagagaya ng boses ng aso, pusa at ibon.

After writing this column, nag-marathon kami ng panonood ng Pilipinas Got Talent sa YouTube. We were awed by what we’ve seen. Talagang amazing ang mga singer na contestants. Talagang magagaling. Para sa amin, impressive ang performance ni Jovit Baldivino ng Batangas. It’s super touching, grabe! We were not surprised nang makita naming 2,875,647 views na ang hits niya sa YouTube.

Pangako namin sa aming sarili, panonoorin namin ang Pilipinas Got Talent kapag may time kami. Curious kaming malaman kung sinu-sino ang papasok sa finals.

TRUE NGA KAYA ang nasagap naming tsika na nagtatrabaho na ngayon sa isang call center itong si JC Cuadrado?

Naging host ng Star Dance sa Dos si JC bago siya napunta sa GMA-7. Ang ilan sa naging shows niya sa Dos ay ang Star Dance, Showbiz #1, Breakfast, Y Speak at Pinoy Dream Academy.

Natatandaan namin, nakasama pa siya sa grupong Studs na kinabibilangan nina Mike Tan, Dion Ignacio, Kevin Santos, Felix Roco, Edgar Allan Guzman at Lance Oñate. Nakasama rin siya sa isang soap ng GMA-7 na hindi na namin matandaan.

Anyway, kung totoo ngang nagtatrabaho na sa isang call center si JC ay wala namang masama. Marangal na hanapbuhay iyon, ‘no! Isa pa, baka wala pa siyang masyadong project ngayon kaya naman nag-try siya ng ibang work.

Magaling na host si JC at sana’y makakuha pa siya ng maraming hosting jobs.

NAKAKATUWA ITONG SI DJ Mo. Akalain mo ba namang i-post niya sa kanyang Twitter account na kulang na siya ng pera habang nasa London siya.

Say ni DJ sa kanyang account, “does anybody have a house or apartment in London that I can crash in for 2 nights… i think im running out of money.”

Natawa talaga sa kanya si Iya Villania. Imagine, kung anu-ano na lang ang pino-post ni DJ na hindi mo naman alam kung totoo nga o nagbibiro lang siya. Ha! Ha! Ha!

Anyway, na-phone patch si DJ Mo sa bagong Juicy ng TV 5 at naaliw kami dahil parang gusto pa niyang ibuko kung sino ang nililigawan ngayon ng best friend niyang si KC Montero.

Kaloka talaga itong si Mo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

3 thoughts on “DJ Mo Twister, naubusan ng datung sa London!

Leave a Reply

Your email address will not be published.