DJ Mo Twister, nasaktan sa pag-spoof sa kanya ni Ogie Alcasid!

NAG-I-EMOTE DAW si DJ Mo Twister nang nakarating sa kanya na ini-spoof ni Ogie Alcasid ang video nito na kumalat sa internet tungkol sa abortion issue na idinamay niya si Rhian Ramos.

Kuwento sa akin ng mga Startalk crew na nag-cover sa concert nina Ogie at Regine nu’ng nakaraang Valentine’s Day, nakaaaliw raw ang video na ‘yun, pati rin ‘yung kay Regine na si Ramona Bautista naman ang ini-spoof nito. Pero siyempre mabilis ang Twitter kaya nakarating agad ito kay DJ Mo.

Nag-tweet agad ito ng: “Just heard @ogiealcasid made fun of me crying in the abortion video. Classy move bud. Didn’t you just have a child? Glad, it’s alive.”

Nakarating siyempre ‘yun kay Ogie, kaya nag-text yata ito kay DJ Mo na nag-sorry, kaya nag-tweet ito kinabukasan na tinanggap daw niya ang apology ni Ogie.

So, siguro tapos na ‘yun dahil ayaw na ring palakihin pa iyun ni Ogie. Siyempre, ayaw naman nila ng kanegahan dahil ang saya-saya nila. Napaka-successful ng concert, at soldout ang tickets, ‘di ba? Kaya tingin ko mauulit pa ‘yan.

Pinag-usapan ng mga bading, parang lalong tumaas daw ang boses ni Regine dahil talagang todo birit ito,

Maaring na-miss lang daw nito ang pagkanta at pag-perform sa mga ganu’ng concert kaya todo birit talaga siya para panindigan na siya pa rin ang reyna ng mga biritera, ‘no!

Siguro naman, mahaharbatan ko na si Regine niyan, ha?!

Kuwento pa sa akin ng mga taga-Startalk na nakapuwesto du’n sa backstage, naaliw raw sila kay Regine dahil pagkatapos daw ng concert, nagbihis lang daw ito tapos nagpa-breastfeed na siya kay Baby Nate niya.

Kasama pala nila du’n ang baby nila para hindi into ma-miss ang pagpapa-breastfeed. Kaya naghintay pa raw ang mga reporter na gustong mag-interview sa kanya dahil nagpa-breastfeed pa muna ito bago siya humarap sa interview.

Congratulations kina Ogie at Regine dahil nabuhayan uli ang mga fans nila na matagal na naghintay na mapanood sila uli na magkasama.

 

BAKA NAGSASAWA na  kayo sa kababalita ko tungkol sa demandahan nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro, wala tayong magagawa. Kasi naman halos araw-araw ang hearing nila at interesado ang lahat na subaybayan ito dahil baka may panibagong gulo na naman ang mangyari.

Nagkita na naman sila nu’ng Miyerkules ng umaga sa tanggapan ni Fiscal Jovie Calderon ng Quezon City Prosecutor’s Office. Ito na kasi ang may hawak ng tatlong kasong isinampa ni Nadia laban kay Annabelle, para mabilis na raw na madesisyunan, pinahawak na lang sa isang fiscal.

Kaya inaasahang lalabas na agad ang resolution nito, at doon magkaalaman kung aakyat ang kaso sa korte o hindi.

In fairness, nu’ng magkita sila nu’ng araw na ‘yun, walang gulong nangyari. Malumanay si Annabelle at kalmado ito, kaya hindi naulit ‘yung gulong nangyari nu’ng nakaraang taon. Nasundan pa ‘yung sa San Juan Prosecutor’s Office nu’ng nakaraang linggo.

Pero ngayon, maayos ang lahat dahil sabi ni Bisaya, hindi na lang daw siya tumitingin kay Nadia. Parang ang fiscal na lang daw ang nakita niya, hindi uminit ang ulo nito.

Pagkatapos nilang magkaharap, kung anu-anong statement na ang lumabas sa mga bibig nila. Merong idedemanda raw ni Annabelle si Ynna dahil sa pinagbintangan daw itong ibinubugaw sila.

Itinatanggi naman ito ni Ynna dahil never daw niyang sinabi ‘yun at pagbintangan ng ganu’n ang manager. Sabi pa ni Ynna, kahit papano ay nandiyan pa rin daw ang paggalang niya kay Annabelle kaya never daw siyang nagsalita nang ganu’n.

Sabi naman ni Annabelle, may mga pruweba at kaya niya itong patunayan. Pero mabuting hintayin na lang daw dahil magsu-sorpresa na lang daw siya.

Hindi rin pahuhuli si Nadia, meron naman daw siyang pasasabuging kuwento tungkol kay Annabelle, at hintayin na lang daw ito dahil malapit na rin daw siyang magsalita.

Siyempre, sagot naman si Annabelle, na ilabas na niya lahat, basta ang buong katotohanan lang daw, huwag mga imbentong kuwento.

Kahapon ay nasa San Juan  Prosecutor’s Office naman si Annabelle dahil kailangan niyang mag-submit ng counter-affidavit sa kasong isinampa naman ni Nadia sa kanya,

Walang keber si Annabelle sa halos araw-araw na pagpunta niya sa mga hearing. Sabi naman niya, nag-i-enjoy raw siya, at parang therapy na raw niya ito, kaya hindi raw siya naiinip sa mahabang desisyon sa kaso.

Abangan na lang natin!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “DJ Mo Twister, nasaktan sa pag-spoof sa kanya ni Ogie Alcasid!

  1. MO Twisted – poor cry boy! What is killing you in hiding is that you will never have her back. Good! Because YOU are the biggest mistake in her life! How old were you then? 27-28. Unfortunately she loved you. But then you took advantage of and threatened the young lady. No decent woman would ever respect you for that. Rhian has moved on. Great for her and thank God! Her fans worldwide love her for better or worse. One day she will have a REAL MAN and GENTLEMAN who will give her unconditional love, respect and dignity. Absolutely your opposite. And that lucky man will have her, for she is beautiful, sweet, loving, smart and a STRONG woman. I agree with her lawyer, you are dysfunctional. In my opinion you are fake, no class and abusive to women. You really need to seek help from a psychiatrist.

  2. wow, nag react ang mahilig manakit ng iba lalo na babae, so bawal ka palang saktan? bwahahahah try to look back Mo, if ilang tao ang pina-iyak mo because of your big bad mouth!!! gusto mo lang talagang mapag usapan. So talagang dinidiin mo si Rhian and ikaw yong nasaktan at ka awa awa at sa huli ikaw ang good boy si Rhian bad girl. Bravo!!!- 

  3. o ano ngayon mohan gumatay, niloko ka lang sa video umiyak ka na? eh yung rhian sinira mo buhay. gago, karma yan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.