DJ MO TWISTER, MAHIRAP KATRABAHO?

HEALTH CONDITION ANG kumakalat, o ipinakakalat ng kampo ni DJ Mo kung bakit hindi na siya napapanood sa Willing Willie…weh?!

Dinig namin, Willie Revillame was getting along well naman with Mo, as a person though. Pero gaano katotoo na bilang katrabaho, mahirap kasama ang radio jock-TV host?

Ang alam namin, delivering showbiz tsismis is obviously not right up Mo’s alley. With the exception, of course, of Joey de Leon, nakakaasiwang panoorin that a straight guy like Mo is doing, or outdoing, a Shalala!

Will TV5 please give Mo another show na swak sa kanya?

HINDI PA MAN nauumpisahan, may mga nagsasabi nang isang political ploy ng actor-turned-politician na si ER Ejercito ang kanyang hopeful entry to this year’s Metro Manila Film Festival, ang El Presidente (The Emilio Aguinaldo Story).

But as far as its director Tikoy Aguiluz is concerned, sampung taon na raw nasaisip ng Laguna Governor na gawin ang proyekto, which he intends to attack with an “indie film” approach but of epic proportions.

Layunin din ng pelikula, which will cost the production a whopping P60 million, na ituwid ang ilang maling impormasyon sa kasaysayan, halimbawa na ang isyu sa pagitan noon ni Emilio at ni Andres Bonifacio.

FYI, the general who declared Philippine independence in Kawit, Cavite, had lived up to the time of President Diosdado Macapagal, kung kaya’t maraming kabanata sa buhay nito ang sasakupin ng kanyang film bio.

Pero sa aking opinion, there’s more to glorifying a historical icon via this film. Higit dito, the movie, I would assume, is making a conscious effort to restore the once-untarnished image of the country’s military officers in the light of the Senate inquiry into the AFP fiasco. Let Gen. Aguinaldo be a shining example para hindi na pamarisan ang ilang tiwaling heneral.

ISANG OBSESSED NA babaeng gagawin ang lahat to win her man, pero may mabahong lihim din naman palang itinatago. Ito ang buod ng aabangang episode ngayong araw sa Face To Face na pinamagatang “Ganid Kong Puso, Bangungot Ang Hatid sa Inyo.”

Dahil sa sobrang pagmamahal ni Alice sa asawang si Charon, ipinagkalat nito na ang dating kasintahang si Beybi ay may STD. Sinipa ito sa trabaho, inatake pa ang ina. Pero may kasabihan ngang “what goes around comes around,” ibinuko ng tiyahin ni Alice na hindi si Charon ang ama ng kanilang anak. Lalantad si Benny, ang nakabuntis kay Alice.

Kuwentong tomboyan naman ang “Palimos ng Pag-ibig, Matulis Kong Tomboy” sa Martes. Pinalayas ng t-bird na si Emilia ang dyowang si Rosalyn dahil bumalik ang ex-dyowa niyang si Emily, na kinasama niya rin ng sampung taon. Namuo lang daw ang relasyon nina Emilia at Rosalyn dahil ang huli ang nagpakita ng motibo sa kanya, taking advantage of the former’s lonely state when separated from her ex-girlfriend.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

6 thoughts on “DJ MO TWISTER, MAHIRAP KATRABAHO?

    • Kaya pala walang magpa-advertise sa JUICY, nakita siguro ito ng mga advertisers ang comment dito ni twisted mo about product endorsement.

Leave a Reply

Your email address will not be published.