DJ Mo Twister, tinawag na baboy ang isang reporter – Ambet Nabus

PINANININDIGAN NA YATA ni DJ Mo ang kanyang pagiging papansin sa showbiz. Halos linggo-linggo na lang yata kasi ay may parang sinasadya itong saktan for the obvious reason na wala naman ng sumeseryoso sa kanya.

Last week ay si Rufa Mae Quinto ang muling nakabangga nito ng walang kaabog-abog nitong i-tsismis sa kanyang blog na syota ito ni Mikey Arroyo. In fact, last Sunday ay no show ang sexy actress sa programa nila dahil sinabi niya talagang ‘sobra na’ ang kataklesan ng pakontrobersyal na trying hard showbiz host. Tapos nabalitaan nga namin ang pamemersonal nito kay kaibigang Jun Lalin na tinawag naman niyang ‘baboy.’

Just wondering kung bakit patuloy itong pinagtitiyagaan ng GMA-7 gayung hindi naman ito asset sa Showbiz Central at kahit na sa istasyon dahil sa totoo lang mukhang siya yata itong pinakain ng maraming ‘ari’ ng baboy kaya’t parang tangkal ang bunganga nito sa pagbabanat at pagtawag ng kung anu-ano sa maisipan niyang kantiin. ‘Di ba ganu’n ang sabi ng mga lolo’t lola natin?

O baka naman hanggang ngayon ay ito ang paboritong kainin ni DJ Mo kaya’t kinakarir na niya ang pagiging salaula?

Kris Aquino, pahinga muna sa pagiging taklesa?

IYAN ANG MEDYO pagkakaiba nila ni Kris Aquino.

Kahit papaano ay maagang na-establish ni Tetay ang kanyang pagiging taklesa, kaya’t nahahati kahit papaano ang simpatiya ng mga tao sa kanya. May mga naaaliw lang, may mga naiinis naman. If that would spell a big difference come 2010, iyan ang ating aabangan.

Sa ngayon ay medyo mananahimik ang kampo ni Senador Aquino dahil balitang matagal na magbabakasyon si Tetay kasama sina James at mga anak sa abroad.

Si Kris nga lang kasi ang nagbibigay ng mga kakaibang tsika tungkol kay Noynoy. At dahil wala siya, asahan nating mababawasan if not mawawala pansamantala ang interes ng ilan tungkol kay Senator Noynoy Aquino.

Kaya ang tanong, asset ba o liability si Kris sa nag-aambisyong kapatid?

Aljur Abrenica at Kris Bernal, mag-MU?!

AND SPEAKING OF ambisyon, tila ito ang latest conquest ngayon nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na tahasang umamin na sila nga’y mag-MU na at nagsasabihan na ng ‘I love you.’

Hindi man nila direktang sinabi na may mga display of affection na sila off-camera gaya ng kissing, eh, sa pahayag na kanilang binitawan sa presscon ng Nandito Ako…..Nagmamahal sa Iyo, obvious ang sagot.

Kung nagawa nga naman nilang maghalikan ng ten minutes with all those cameras and crew na kumukuha sa kanila sa nasabing pelikula, paano pa raw kaya sa totoong buhay?

Well, mukhang genuine naman ang pagtitinginan nila at pagkakaroon ng mutual understanding. Ayaw nga lang nilang mag-commit sa isa’t-isa dahil ambisyon nilang maging certified hot love team sa showbiz.

Ipapalabas na sa Sept. 30 ang Nandito Ako… Nagmamahal Sa Iyo, under Regal Entertainment sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

11 thoughts on “DJ Mo Twister, tinawag na baboy ang isang reporter – Ambet Nabus

  1. BABOY NAMAN TALAGA YANG SI JUN LALIN.

    ANG KINAKAIN NIYAN, GALING SA PAGLILINIS SA IMAHE NG DYSFUNCTIONAL NA GUTIERREZ FAMILY.

    FRUSTRATED RAPIST DIN YANG SI JUN LALIN DAHIL HINARASS NIYAN SI KIRBY DE JESUS! KINSE ANYOS PA LANG SI KIRBY NUN.

    JOSKO, SINO BA NAMAN ANG PAPATOL SA BABOY KAHIT MALAKI PA ANG BAYAD!

    BABOY KA JUN LALIN! BABOY!

  2. magaling nman sana to c dj mo kaya lang minsan semplang ang utak ay di pla minsan palagi..sabagay ayan nga oh pinapansin plagi ng mga writers kumpara nman ke ruffa mae nman..

  3. all listener of good times with mo are watching showbiz central.don’t watch showbiz central if you dont like mo.hindi din naman kayo kawalan sa rating eh.Peace

  4. GIMIK kc may pelikula silang lalabas. hindi bagay sayo Kris B. ang magpacute. kala mo magaling ka umarte……..hoy hindi…………………………..

  5. On the contrary, dapat si RMQ ang tanggalin dahil wala na siyang substantial na nai contribute sa show. MO is an intellectual being, hindi lang siya masakyan ng mga taong mababaw ang pag-iisip. People from showbiz should stop being onion-skinned. They are always subject to public scrutiny.

    Mo’s morning show has a substantial following, baka hindi niyo alam. Sa show lang niya nagge guest si Chiz Escudero, Francis Pangilinan, Manny Villar, Bayani Fernando, Adel Tamano, Pia and Peter Cayetano, etc. And he was able to match these politicians wit and gab. Can other people from showbiz top that? I don’t think so.

  6. Ambet R. Nabush, I could’nt agree with you more. Kung alisin si DJ Mo o kaya umalis sa Showbiz Central ay hindi kawalan. Hindi siya ma mimiss. His personal insult towards Jun Lalin is below the belt. This is a desperate move for someone who knows he is loosing his touch. You are absolutely right. He is not an asset to GMA-7 and they can get rid of him with no regrets. He has no fan base as he believes he does. There is only one thing he has to be thankful for. That is, he does not have to worry about feeding his daughter with money obtained from ill will. HE DOES NOT SUPPORT HIS DAUGHTER ANYWAY. . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.