DJ G Love aka Patricia Javier, willing nang gumanap na nanay sa TV o movie

DJ-G-LoveWILLING DAW mag-stay nang matagal sa bansa kapag mabibigyan ng magandang proyekto sa showbiz ang super sexy at maganda pa ring si DJ G Love na dating Patricia Javier, na simula nang mag-asawa ay sa San Diego, California na nanirahan kasama ng kanyang asawa at 2 nagguguwapuhang mga anak.

Kahit nga raw mother role ay okey na kay DJ G Love dahil mommy na naman daw siya, kaya naman hindi big deal if ever na bibigyan siya ng mother roles as long as maganda ang proyekto.

Pass na rin daw ito sa pagpapa-sexy sa mga proyektong pampelikula at maging sa pagiging pabalat ng mga men’s magazine, dahil  nagawa na raw niya ito noon at very thankful nga siya sa mga mens magazine na naging cover girl siya dahil malaki ang naitulong ng mga ito sa kanya para makilala.

Bukod nga sa pagiging very hands-on mom sa kanyang mga anak, isa ring sikat na DJ sa San Diego, California si DJ G Love na kumakanta rin sa nasabing bansa. Ito raw kasi ang paraan niya para ma-practice ang kanyang pagkanta at ngayon nga ay ang pagdi-DJ.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “DJ G Love aka Patricia Javier, willing nang gumanap na nanay sa TV o movie

Leave a Reply

Your email address will not be published.