Divorce Bill, Sunod na sa RH Bill – Belmonte

HINDI MALAYONG isinunod na rin ng Kamara ang pagtalakay sa Divorce Bill kapag natapos na ang usapin sa Reproductive Health Bill. Ito ang inamin ni House Speaker Feliciano Belmonte.

Susuportahan umano ni Belmonte, ang panukalang diborsyo kung katanggap-tanggap ang magiging probisyon nito.

Kasama sa ikukonsi-dera ay ang kapakanan ng pamilyang Pilipino at ang magiging epekto nito sa ating lipunan.

Alam umano niyang marami ang interesado sa Divorce Bill, ngunit tiyak na marami rin ang kokontra rito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.