Divorce at Same-Sex Marriage, Ibabasura Lang

NANINIWALA SI Sen. Vicente Sotto III na may susubok na maghain muli ng divorce bill sa 16th Congress na posibleng sasakyan naman ng mga pulitiko at non-government organization (NGO).

Ayon kay Sotto, tiyak na kokontrahin ito ng mga mambabatas.

Maging sa paghahain ng same-sex marriage ay malabo rin umanong katigan sakaling may magpanukala ng nasabing batas ukol dito gaya ng nangyari sa California na umani ng sari-saring batikos.

Sinabi ng Senador na nakatatak pa rin sa puso’t isipan ng mga Pilipino ang pagiging konserbatibo, moralidad, pagiging sensitibo at pagpapahalaga sa pamilya.

Dahil dito, naniniwala si Sotto na walang paglalagyan sa Kongreso ang dalawang kontrobersyal na panukala sakaling ito ay pilit na Ilalaban at ipupursige.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.