Divine Lee, takot na magkasalubong sina Victor Basa at Baron Geisler!

NAGDIWANG NG kanyang kaarawan si Divine Lee noong January 14, pero wala raw siyang ginawang selebrasyon. Kuwento niya sa amin, “Wala, nasa bahay lang kami ni Victor (Basa), alam mo naman, pagka-birthday hindi talaga ako nagsi-celebrate ng birthday eh. Every year ‘yun, o kaya tumatakas ako.”

Ano naman kaya ang wish niya noong karaawan niya? “Wish ko siyempre, kasi bago sa akin lahat, sana maging mahusay ako rito sa ginagawa ko. And you know what? Sana ‘yung mga kaibigan ko rito is talagang tulungan nila na maging mahusay ako. Love ko na kasi ‘yung craft, pero siyempre mas matagal na sila, like si Nanay Cristy Fermin, saka ‘yung mga mas nauna sa akin na sana, kahit na ginagabayan na nila ako ngayon, sana tuluy-tuloy pa rin dahil sobrang na-appreciate ko.”

Matatandaang na-ging malaking isyu noong nakaraang December 17, 2012 sa ginanap na MVP Ball sa Meralco Multi-purpose Hall ang diumano’y ‘pambabastos’ sa kanya ni Baron Geisler nang bigla raw siyang hinalikan nito sa labi. Pero, na-settle na raw ito at nagkaayos na sila.

“Okay naman, nag-text naman siya ng ‘Sorry’. Alam mo, hindi naman ako… sobrang positive kong tao, ‘di ba? A, ‘yung sa amin naman, rather than sermunan ko siya, wish ko na lang na hindi na niya gawin ‘yung mga ganu’n, ‘di ba? Sinabi ko naman, diretso na, ‘Sana Baron, hindi lahat ng tao nakakapag-pasensya, sana huwag mo nang ulitin, kasi nakakasakit ka na.”

Kumusta naman kaya si Victor, ano ang naramdaman nito sa nangyaring ‘insidente’ sa kanila ni Baron? “E, ‘di galit. Siyempre nu’ng nakita niyang nagpatawad na ako, kailangan niya na ring magpatawad siyempre. Pero hindi pa sila nagkikita at sana sa magandang oras sila magkita kung magkikita man sila.”

Bakit kaya niya nasabi na ‘Sana, kapag magkita sila ay sa magandang oras? “Alam mo kasi siyempre, lalaki sa lalaki ‘yan. Mahirap talagang sabihin, ‘di ba? Alam mo si Vic naman napaka-pasensiyosong tao, but hindi mo ma-sabi siyempre ‘pag bad mood, ‘di ba, kung magkita sila? Kaya ‘di natin ma-predict kung ano’ng mangyayari.”

 

MARAMI ANG nakapansin na dalawa na sa iniendorso ni Coco Martin ay dating kay Piolo Pascual. Una na nga rito ay ang endorsement ni Piolo sa isang bangko na ngayon ay siya na ang nag-eendorso.

Pangalawa, ang isang restaurant kung saan pitong taong si Piolo ang naging endorser.

Nang tinanong namin si Coco kung ano sa palagay niya ang dahilan ng advertisers kung bakit parang napunta sa kanya ang dalawang endorsement ni Piolo, nakangiti nitong tugon, “’Yun naman oh, hindi… hindi… hindi.”

Dagdag pa nito, “Hindi… hindi, siguro nagkataon lang… nagkataon lang na ah, ‘yun nga kasi, kumbaga malaking… sabi ko nga kanina, dating nagtrabaho ako sa Max’s kaya siguro napalapit ako sa Max’s.”

Bakit nga ba mas pinili niyang single sa ngayon? “Kasi sabi ko nga gusto ko munang samantalahin kung anong me-ron ako, gusto ko munang… na parang dito muna ako magpo-focus. Sabi ko nga, kung sa family ko nga wala akong time at sa sarili ko, kapag siningit ko pa ‘yun lalong walang matitira sa akin.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Divine Lee, takot na magkasalubong sina Victor Basa at Baron Geisler!

  1. BAKIT KAYA NAGUSTUHAN NI DIVINE LEE SI VICTOR BASA EH ANG BAHO NG PAA DAW NIYAN AT HINDI NAMAN DAW KALAKIHAN ANG MANOY HAHA

  2. yung mga niloko ng ama nyang krimal di sya natatakot dun???? nabubuhay sya ng marangya dahil sa perang kinamkam ng ama nya sa mga taong winalanghiya ng kumpanya nila???? kapal ng apog ng babaeng to living an opulent life with the money na pinaghirapang kitain ng mga taong niloko at sirila ang buhay ng walanghiyang ama nya!!!!! dapat dito kasuhan din dahil executive yang palakang yan sa kumpanya ng ama nyang kriminal eh!!!!!

    eto nga pala sya 5 yrs ago PALAKANG PALAKA PA ANG PAGMUMUKHA SALAMAT SA KWARTANG NINAKAW NG AMA NYA NAKAPAGPARETOKE NG TODOTODO KAPAL NG MUKHA~!!!!! http://www.flickr.com/photos/jovito/2259586323/

Leave a Reply

Your email address will not be published.