Divine Lee, pumalag sa pambabastos ni Baron GeisLer

MAS PIPILIIN na sanang manahimik ng TV Host na si Divine Lee sa pambabastos sa kanya ng magaling na actor na si Baron Geisler dahil alam daw nitong may sakit ito. Kaya lang daw ay nagsasalita na ito at pinalalabas na sinungaling sila. Kaya naman napilitan na itong magsalita at sabihin kung anong nangyari last Dec. 17 sa MVP Ball.

Kuwento ni Divine, “Sa MVP party ’yun nangyari and tapos na ‘yung party nu’n, eh, tapos na akong mag-cover. Siguro, mga 11 p.m. na nu’n. Galing akong toilet, kasama ko si IC (Mendoza), nasa loob na siya.Hindi ko nakita si Baron na pumasok, eh.
“So, nu’ng nakita namin si Baron sa harap, si IC nag-beso. Parang ‘uy pare,’ ganyan. So, ako ‘yung kasunod. So, siyempre, bilang kasama ko si IC, magha-‘hi’ rin ako sa kanya, kilala ko siya. So, pag-beso kong ganu’n, humarap siya, tapos nakabuka ‘yung bibig.”
Mabuti na lang at nakaiwas siya or else baka mas grabe pa roon ang nangyari. Kaya naman sa pagka bigla nito ay nasabihan niya ng  “Bastos ka!” si Baron.
Hindi naman daw siya nahalikan sa lips ni Baron at tumama lang sa kanyang cheek ang beso nito. Pero hindi niya akalaing gagawin sa kanya ni Baron ‘yun, dahil kung ilang beses niya ring ipinagtanggol ang binata.
“Siyempre, umiwas ako, may dyowa ako, ’no! Pero from here (her cheek), medyo may laway pa nga, eh, kasi nakabuka ‘yung lips niya.”

Wala raw balak idemanda ni Divine si Baron dahil alam naman daw nitong may sakit si Baron at malapit na ang Pasko at kailangan nito talaga ang tulong. Pero ngayon lang siya naniniwala na totoo ang lahat ng mga kuwento-kuwento sa ginawang pambabastos ni Baron sa iba pang babae.

 

NAGMISTULANG SANTA Claus ang mabait at very generous na senator na si Bong Revilla, Jr. at ang kanyang buong pamilya sa taun-taong Christmas Party na ibinibigay ng mga ito sa entertainment press.

Tsika nga ni Sen. Bong, malaki ang naitulong sa kanya simula pa nang pasukin niya ang pag-aartista hanggang sa maging tagumpay rin siya sa pulitika, kaya naman bilang pasasalamat ay taun-taon niya, sampu ng kanyang pamilya ang pasayahin ang mga press bago sumapit ang Pasko.
“Kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon ng isang Bong Revilla sa showbiz. Nagawa ninyong palakihin ang pagiging artista ko hanggang sa pasukin ko rin ang pulitika.
“Kaya naman dapat lang na pasalamatan ko kayong lahat sampu ng aking pamilya dahil kung hindi sa inyo, walang Bong Revilla, Jr. sa showbiz at sa pulitika,” mensahe ni Sen. Bong sa pinasalamatang media.
Ipinasilip din sa nasabing Press X-Mas Party ang MTV ng kanyang festival entry na pelikula na pinagsasamahan  nila nina Vic Sotto at Judy Ann Santos na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako at sinundan ng  TV plug ng coming historical series niyang Indio na maraming kapatid sa panulat ang nagsabing maganda at kaabang-abang ang new show na ito ni Sen. Bong sa GMA 7.
Dumalo rin sa nasabing X-Mas Party ang maybahay nitong si Congresswoman Lani Mercado at Mayor Strike Revilla ng Bacoor City, Cavite na parehong nagbigay ng cash na pang-raffle na labis na ikinasaya ng mga press people na dumalo.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Divine Lee, pumalag sa pambabastos ni Baron GeisLer

  1. dapat tlaga kalusin nyng baron bastos at baboy nyan, paulit-ulit nlang yng ginagawa nyng pambabastos, mukhang di emepek rehab saknya at ung pgbibible study padaw nya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.