Diva Montelaba, nag-take advantage kay Kristoffer Martin?!

IKINAGULAT NI Diva Montelaba ang sinabi raw ni Kristoffer Martin na ayaw raw siyang makaeksena sa isang love scene.

Matatandaan nagkaroon ng matinding romansahan sina Diva at Kristoffer sa Pahiram ng Isang Umaga na idinirek ni Maryo J. delos Reyes.

Humanga at pinuri ni Direk Maryo J si Diva pagkatapos kunan ang nasabing love scene nito kay Kristoffer, dahil tinupad nito ang dapat gawin sa naturang eksena.

Pero hindi raw nagustuhan ni Kristoffer ang ginawa nilang romansahan dahil may ibinilin daw sa kanya ang ka-partner na huwag gagawin pero ginawa pa rin ni Diva. Kung anuman ‘yung ginawa ni Diva na hindi nagustuhan ni Kristoffer, hindi na namin inurirat sa morenang bagets star.

Sinabi raw ni Kristopher sa ilang press na ayaw na raw nitong makaeksena si Diva sa isang love scene?

“Ako pa ang nag-inarte. Ginawa ko lang ang gusto ni Direk Maryo J, na gawing makakatotohanan ang eksena. Ayaw kong mapagalitan kaya ginawa ko ‘yung dapat para lumabas na makatotohanan. Umiyak nga ako pagkatapos ng eksena kasi first time kong ginawa ‘yun,” say ni Diva na kasama rin sa Maghihintay Pa Rin.

Sa nasabing teleserye ay mai-in-love si Diva kay Rafael Rosell na in-love naman kay Bianca King. Kaya naitanong ko tuloy kay Diva kung papayag ba siya magkaroon ng mainit na love scene kay Rafael?

Nag-isip nang malalim at pagkatapos ay itinaas ang kamay na ibig sabihin ay payag siya dahil in good hands naman daw siya.

Pinag-iisipan na rin ni Diva ang sumali sa Bb. Pilipinas. Matalo man o manalo ay desidido na raw siyang sumabak sa nasabing beauty contest.

Ayaw niyang tumanda na hindi nasubukang sumali sa isang prestisyosong beauty contest. Baka magsisisi raw siya balang araw na hindi nakasali sa naturang contest.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

10 thoughts on “Diva Montelaba, nag-take advantage kay Kristoffer Martin?!

  1. Eto namang si Kristoffer Martin parang di artista! At parazzi, wala ba kayong bagong picture?  Hindi naman throwback Thursday ah! Hahaha! Kristoffer, wag kang maarte! Gusto ko na maniwala na lumaki na ang ulo mo ah! Hindi proportion sa BANSOT ang malaki ang ulo! Hehehe!

  2. KAPAL NG FEZ NITONG DIVA NA ITO, MANYAKIS! HAHAHAHA! WALA KASING PUMAPATOL SA KANYA KAYA NANGMAMANYAK NA LANG HAKHAK!

Leave a Reply

Your email address will not be published.