Disqualified sa pagka-congressman ng San Jose del Monte City
Imelda Papin, pinag-iinitan ng Comelec?!

OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka!

‘Eto na nga, nakakaloka ang Comelec kung bakit pilit na-disqualify itong si Juke Box Queen Imelda Papin na kumakandidato sa lone district ng San Jose del Monte City, Bulacan bilang congressman.

Kasi nga naman, bakit pinayagang magparehistro? At ang sabi, malakas ang kalaban sa Comelec kaya pilit na tinatanggal bilang kandidato para congressman. Kasi nga napakalakas ng laban ni Imelda, kasi dalawa ang kalaban niya na parehas ang family name.

At nagtataka raw ito, kasi ang ground of suspension niya ay ang residency. Bakit daw nu’ng 2010, kumandidato itong senador, iba ang address sa pagkandidato niya? Teka, bakit marami rin d’yan kumakandidato sa ngayon na iba ang address sa dati, na kandidatong maging mayor, congressman, governor, at senador? Take note, Comelec 2010, ano na tayo ngayon, 2013? Bakit parang si Imelda lang ang pinag-iinitan nila?

Ayaw ko na lang magbanggit ng mga kandidato na gano’n din ang kanilang naging problema pero tuluy-tuloy pa rin ang pagkandidato nila at okey lang sa Comelec.

Sana naman maresolbahan ito ng Comelec, kasi marami ang umaasa kay Imelda sa San Jose del Monte City. Kasi matagal na itong tumutulong na kahit hindi pa siya kumakandidato, marami na siyang scholar, at matagal nang may negosyo siya at dalawa ang bahay niya. At mayroon kaming showbiz village d’yan at matagal na itong kaibigan ng kasalukuyang mayor na si San Pedro. Matagal na siyang katuwang sa mga project ni Mayor San Pedro, kaya imposibleng ma-disqualify ang isang Imelda Papin.

Balitang magra-rally ang mga taga-suporta ni Imelda sa Comelec. Let’s wait and see na lang, kung ano ang kahihinatnan ng kandidatura ni Imelda Papin.

 

SPEAKING OF pulitika, hindi na nag-attempt itong kaibigan kong si Arnell Arevalo Ignacio bi-lang councilor ng unang distrito ng Lungsod Quezon. Kasi, katuwiran niya, nakatutulong naman siya kahit wala sa pulitika. Isa pa, hindi siguro siya suwerte sa pulitika. Kasi minsan na niyang sinubukan ito.

Kaya sa pamamagitan na lang ng pagtulong sa ating mga kababayan na kahit hindi niya kalugar, tulad ng napanood ko sa Talentadong Pinoy na isa siya sa mga hurado, biglang tumulo ang luha ni Arnell sa isang contestant na mga taga-Infanta, Quezon. Kaya nu’ng isang araw, pumunta sa bahay ni Arnell ang mga taga-Infanta at binigyan niya ng isang katutak na encyclopedia at computer.

Kasi nga naiyak siya nu’ng himingi sila sa Ta-lentadong Pinoy nu’ng Linggo, dahil nasalanta ang kanilang library ng bagyo at hanggang ngayon ay hindi pa maka-recover.

Kaya sa pamamagitan ni Arnell, hindi na siya nagdalawang salita, at ‘eto, solve ang problema ng mga taga-Infanta, Quezon. Talagang nasa puso ni Arnelli ang pagtulong na kahit wala siya sa pulitika ay handang tumulong sa nangangailangan.

‘Yan si Arnell, bonggacious!!!

 Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Disqualified sa pagka-congressman ng San Jose del Monte City
Imelda Papin, pinag-iinitan ng Comelec?!

  1. Hey Coco !!!!!

    gusto lang talagang tumulong ng Tita Imelda ko Sa 
    mga taga Bulacan no…..
    Dont say anything about her
    na hindi mo naman alam kung ano ang  gusto niyang 
    magawang tulung sa mga taga Bulacan…

    Right…..

  2. pls. dont say anything na masama tungkol kay tita mel ..
    wala kayong alam sa mga nagawa niya
    isa pa isa sya pikamatulunging tao sa pilipinas no……

  3. hoy bakla huwag ka nang makialam sa residency ng comelec law. wala kang alam diyan bruha. itong si imelda di mo malaman kung saan talaga nakatira palipat-lipat kaysa governador ng kung saan lupalop tapos ngayon sa bulakan naman. maghunos dili ka laos ka na. wala ka na ring asim 

    • HI BROCHADOR, PARANG TYPE KO ANG NAME MO. HIHIHIHI…ANYWAY, MAY ASIM PA RAW SI MELDY, SABI NI MADAM AURING! HAHAHAHA

  4. Bobo ka talaga Swarding!!! Wag ka nga magsulat kung di mo alam ang sinasabi mo baklang may AIDS. Iba ang residency requirement kesa sa registered voter requirement. Kaya nadisqualify ang Lola Imelda Papin mo kasi di nya napatunayan na resident sya ng nasabing lugar nang hindi kukulang ng isang taon. Pwede sya magparehistro kahit bagon lipat sya dun sa San Jose, pero di sya pwedeng tumakbo bilang congressman kung hindi sya nakatira dun nang hindi kukulang nang isang taon.

  5. ITONG SI IMELDA PAPIN, DI MO MALAMAN KUNG SAAN NAKATIRA AT KUNG BAKIT KUNG SAAN SAAN TUMATAKBO. DI BA TAGA BICOL ITO? EH BAKIT DI NA LANG SYA DOON TUMAKBO? NGAYON NAMAN BULACAN? JUICE MIO, BALAK PANG GAYAHIN SI PHILLIP SALVADOR NA BIGLANG NAGING TAGA BULACAN. AYUN! TIMBOG KAYA NA DISQUALIFY. AT LEAST SI MONSTER MOM, ALAM NAMAN NG LAHAT NA EVER SINCE EH CEBUANA SYA. 

    SI ARNELL IGNACIO NAMAN, MUKHANG MATULUNGIN TLG SYA. MARAMI NA AKONG NABASA EVER SINCE NA MATULUNGIN TLG ANG HITAD. SO SANA KAGAYA NYA ANG TUMATAKBO SA ELEKSYON. O SIYA NA MISMO. BAWAS BAWASAN LANG ANG PANDADAKMA SA HARAPAN NG MGA BOYS AT PAKIKIPAGLAPLAPAN GAYA NI KENNETH PAUL SALVA. HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.