Dismissed na Parak, Niratrat sa Inuman

HALOS MADUROG ang bungo ng isang dating pulis matapos pagbabarilin ng isang hindi nakilalang lalaki na armado ng cal. 9mm sa Brgy. Tibig sa bayan ng Bulakan, Bulacan.

Base sa inisyal na report na ipinadala ni P/Supt. Dale Suliva kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si PO2 Eduardo Cabalonga Y Talan, Jr., 32 anyos, residente ng Brgy. Balubad sa nabanggit na bayan, habang mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklong walang plaka, na kapwa nakasuot ng kulay puting T-shirt at camouflage at blue denim na pantalon.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni Scene of the Crime Operatives P/Chief Insp. Dra. Edith Marquez, nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 10 basyo ng cal. 9mm, habang anim na bala naman ang pumasok sa ulo at katawan ng biktima.

Nabatid na masayang nakikipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan na kapwa dumalo sa isang binyagan, nang bigla na lamang lumapit ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima sa harap ng kanyang kaibigan.

Samantala patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ni SPO1 Joselito del Rosario, may hawak ng kaso, hingil sa karumal-dumal na pamamaslang.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.