Diskwalipikasyon vs maagang kampanya – Comelec

NAGBIGAY-BABALA ANG Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidatong nangangampanya bago pa sumapit ang itinakdang campaign period para sa barangay elections.

Ito ay sa gitna ng paglipana ng election posters sa ilang bahagi ng Quezon City bago ang opisyal na pagsisimula ng campaign period sa Oktubre 18.

Matinding paalala ng ahensya na iligal ang paglabag sa itinakdang panahon ng pangangampanya.

Paliwanag ng Comelec, maituturing itong premature campaigning kahit pa hindi paghingi ng boto ang direktang mensahe ng posters ng ilang kandidato.

Sinabi ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec na dapat maghinay-hinay ang mga kandidato sa pangangampanya.

“Magdahan-dahan kayo, ‘wag ninyong gagawin ‘yan, at pinag-aaralan namin ngayon kung paano namin sila mapapa-disqualify,” ayon kay Jimenez.

Mahaharap sa kaukulang parusa ang mga mapapatunayang lalabag sa panuntunan ng ahensya.

Samantala, itinakda ng Comelec ang panahon ng pangangampanya simula Oktubre 18 hanggang 26 bago ang eleksyong pambarangay sa Oktubre 28.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.