Diskriminasyon, gagawing krimen: kulong at multa, parusa

LAYUNIN NG House Bill 401 (Anti-Racial, Ethnic and Religious Discrimination Act) ni Tarlac 2nd District Rep. Susan Yap na gumawa ng komprehensibo at epektibong legal framework para sugpuin at labanan ang lahat ng uri ng diskriminasyon sa bansa.

Kailangan aniyang protektahan ang mga karapatan ng sinuman na puntirya ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon na may kinalaman sa lahi, ethnic origin, relihiyon o paniniwala.

Ayon sa mambabatas, layunin ng naturang panukala na mabawasan o ganap na mawala ang mga kaso ng diskriminasyon, sa tulong ng Commission on Human Rights (CHR).

Samantala, puwedeng makulong ng anim na buwan o magmulta ng hanggang P100,000 ang sinumang lalabag.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.