Disi-Siete, Pinilahan ng Apat

MAAGANG NAPARIWARA ang buhay ng isang menor de edad na babae makaraang pagtulungan pagsamantalahan ng apat na kalalakihang kapit-

bahay sa loob ng bahay ng isa sa mga suspek sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay itinago sa pangalang “Maria Fe”, 17 anyos, out of school youth, ng Concepcion St., Brgy. 132, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Kaagad namang naaresto ng mga barangay tanod ang tatlo sa apat na suspek na nakilalang sina Mario Lorence, 36, Atoy Guilas, 38, ang kapatid nito na si Yoyong, 32, pawang mga kapit-bahay ng biktima.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang isa pang suspek na nagngangalang Dong, nasa hustong gulang at kapit-bahay rin ng biktima.

Base sa ulat ng Women’s and Children’s Concern and Protection Desk (WCCPD) ng Caloocan Police Station, bandang alas-3:00 ng umaga nang pagtulu-ngan gahasain ng mga suspek ang biktima sa loob ng bahay ni Atoy sa nasabing lugar.

Ayon kay Micaella Galzote, 16 anyos, kaibigan at kapit-bahay ng biktima, kasalukuyan silang naglalakad para umuwi sa kani-kani-lang bahay nang bigla silang harangin nina Atoy, Dong at Yoyong.

Sinabi pa ni Galzote, pilit na tinagayan ng alak ni Atoy ang biktima at pagkatapos ay hinatak ang babae sa loob ng bahay nito at doon ay isa-isang inalisan ng damit ng mga suspek.

Kaagad nagsumbong si Galzote sa ina ng biktima na agad namang pinuntahan nina Gerald, 13 at Roel,13, kapatid at kapit-bahay ng biktima sa bahay ni Atoy at doon ay kitang-kita ng dalawang bata kung papaano halinhinang ginagahasa ng mga suspek ang biktima.

Sa puntong ito ay nagsidating naman ang mga barangay tanod na hiningan ng tulong ng ina ng biktima at akto nilang nahuli ang mga suspek na pinagsasamantalahan ang biktima dahilan upang ang mga ito ay a-restuhin.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.