Disbarment case kay de Lima, ipinasa sa IBP

UMAASA SI Justice Secretary Leila de Lima na tulu-yang ibabasura ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang disbarment case laban sa kaniya.

Ito ay matapos magdesisyon ang Supreme Court (SC) na i-refer ang kaso sa IBP.

Sinabi ng kalihim na bahagi naman talaga ng patakaran na ang disbarment case ay maaaring dinggin ng IBP para sa fact-finding upang matimbang ang bawat panig.

Pero diskresyon din aniya ng korte na agad ibasura ang kaso kung walang makitang basehan.

Si de Lima ay ipinagharap ng disbarment case sa kataas-taasang hukuman ni Atty. Ricardo Rivera dahil sa tahasan umano nitong pambabastos sa hudikatura matapos suwayin ang utos ng korte na nagbigay-pahintulot sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makapagpagamot sa labas ng bansa. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.