Direktor, ginawang pelikula ang interview na puro re-takes!

NAKAKALOKA, AS IN, nakakabaliw ang direktor na nakausap namin kamakailan, kung saan sa naganap na interview, for the first time in 20 in showbiz, ngayon lang kami nilagnat, literally, matapos ang aming pakikipag-usap.
“May kulangot ba ako?” Bungad niya at saka ipinakita ang butas ng ilong sa amin. Sabi namin wala. Sumunod naman, tinanong niya sa amin kung bagay bang nakasalamin siya sa gagawing interview, na ang ending ay siya rin ang nasunod sa sariling kagustuhan, na sa totoo lang naman, in fairness to him, bagay naman ke nakasalamin siya o wala.
Heto na ang ikinabaliw namin. Magbibigay siya ng komento pero kapag naramdaman niyang mali ang kanyang grammar o pagkaka-deliver, uulitin niya sa simula ang kanyang mga sinasabi na para bang nasa harap siya ng kamera ng pelikula.
Paulit-ulit at talagang napakahaba ng aming kuwentuhan na dapat sana ay tatagal lang nang limang minuto, pero mag-iisang oras na, hindi pa kami tapos. But in fairness to him, gusto lang niya sigurong maging solido talaga ang mga pakakawalan niyang komento. Kaya lang, hindi na siya makapag-deliver ng mahabang komento. Para bang hirap na hirap na siyang magsalita. Kaya nga sabi namin, para matapos na lang ang interview, dahil mayroon pa kaming schedule noong araw na iyon, “Kaya mo ‘yan, direk! Kaya mo ‘yan!
Na ang ending, nilagnat at nakatulog kami sa van pagkatapos ng aming pakikipag-usap kay Direk EP. Tsuk!

(By Morly Alinio)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Direktor, ginawang pelikula ang interview na puro re-takes!

  1. Haha, susme, si Direk Elwood Perez yan, I should know… I personally know him, naging friends kami way back… Di ko siya makalimutan kasi siya yung nakiusap sa akin na payagan namin siya magwatch while me and my jowa are having sex. LOL! Wtf, right?! Kasi daw nonexistent ang kaniyang sexlife… Tsaka isa yan sa mga weird na nakilala ko sa showbiz… Peace and mizzyu direk!

Leave a Reply

Your email address will not be published.