Direk Wenn Deramas, suwerte sa Ghost Month

ANG MONTH of August as Ghost Month para sa mga Chinese. Paniniwala nila, mabigat ang pasok ng suwerte kapag buwan ng Agosto. Kaya nga kadalasan, kapag August, walang negosyo na binubuksan or sinisimulan para sa mga Chinese.

Pero iba ang paniwala ni Direk Wenn Deramas. He breaks the rue or beliefs tungkol sa Ghost Month. Kaya nga nagpa-first shooting day siya para sa pelikula niya with Maricel Soriano na ngayon ay nagbabalik muli sa showbiz after  the “storm”.

Sabi nga ni Mell Martinez, kapatid ni Maricel, super excited si Direk Wenn sa first shooting day. “Maging si Marya, excited,” sabi ni Mell.

Sabi nga ni Direk Wenn, “Walang malas-malas. Basta maganda ang projects, go at tatangkilikin ng viewing public.”

Sa ngayon kung hindi kami nagkakamali, lagari si Direk Wenn sa tatlong movie projects. ‘Yong Maricel with Vice Ganda; Maricel with Marian Rivera; at ang Pinoy pantasya na mala-Anak ni Zuma.

‘Yan ba ang malas na dala ng Ghost Month?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.