Direk Wenn Deramas, patutunayan na may kinang pa rin si Maricel Soriano

HINDI MAN natuloy agad ang pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na pagsasamahan nina Maricel Soriano at Vice-Ganda, tuloy pa rin daw ang nasabing movie project, ayon kay Wenn Deramas. Inuna muna niya ang Mama Mia na first team-up nila nina Maria at Eugene Domingo under Viva Films.

Kahit inulan ng intriga ang Diamond Star, hindi naging hadlang ito para hindi niya ituloy ang movie comeback ng veteran actress.

Sabi nga ni Direk Wenn, “Lahat naman tayo ganu’n, may pinagdadaanan, hindi exception si Maricel du’n, ‘di ba? Ang mahalaga na hindi alam ng lahat na nagti-text kami regularly bilang magkaibigan, magkaibigan kami. Hindi porke may pinagdadaanan ang kaibigan mo, sasabay ko sa mga ‘yun. Huwag nating kalimutan na si Maricel Soriano ay Diamond Star pa rin ‘yan. Hindi naluluma o nalalaos ‘yan. Kumbaga, humahanap ng tamang timing ‘yan, naniniwala ako sa talent n’yan.”

Kumusta si Maria as a comedian? “Nakakatawa, hindi na pinag-uusapan ‘yan, laking Dolphy at Nida Blanca si Mary. Hindi na ‘yan pinagdududahan, alam mong pasok ‘yan. Matagal na siyang hindi gumagawa ng comedy, ang last niya, “I Will Survive” with Juday and Dina Bonnevie,” say ni Direk Wenn na sobrang bilib sa husay at galing ng actress pagdating sa comedy.

Napag-uusapan kaya nina Direk Wenn at Maricel ang pinagdadaan nito in the past? “Hindi na, naniniwala ako lagi na kapag tapos na, tapos na. Pag-uusapan ninyo para ano? Kung siya ang mag-o-open, bakit ang hindi? Ang pinag-uusapan namin nu’ng nag-dinner kami, ‘yung mga project na gagawin niya. Dalawa talaga ang gusto kong gawin niya, ‘yung kay Vice at ito. Kapag natuloy ‘yung ‘Bakla, Tomboy’, siya pa rin ‘yung Nanay ni Vice, same cast pa rin. After this two project, Vice na ang gagawin ko. Somehow, nag-aano ‘yung utak ko sa hirap na dinaanan ko sa “Bromance” na kambal si Zanjoe (Marudo), kambal (isang lalaki at isang bakla) pa lang ‘yun. Itong susunod ko apat so, hindi ko mapigilan na hindi mapag-isip-isip.”

Hindi pa man nailalabas ang movie ni Maricel with Uge, iniintriga na agad ito na baka raw hindi kumita. At kung mangyayari ito, hindi na itutuloy ‘yung Vice Maria movie ng Star Cinema at Viva Films. Malaki ang tiwala ni Direk Wenn sa Diamond Star, patutunayan niya na may kinang pa rin si Maria sa box-office.

Paliwanag niya, “Talagang naka-schedule na ang playdate, “Mama Mia” is July, “Bromance”, May 15. Tapos may Vice Ganda ako ng October. Tapos, tignan natin, hindi pa napag-uusapan kung may filmfest ako. Amin ‘yung October playdate  ni Vice, start with “Petrang Kabayo”, “Praybet Benjamin”, “ This Guy’s In Love With You”, lahat ‘yun October. So, nagkaroon kami ng panata ni Vice na sige, every October, gawa tayo,” kuwento ni Direk.

Tinuturing na best friend ni Direk Wenn si Maricel. Bilang kaibigan, ‘yung pagiging mataray niya, personality na nga ba niya ito? “Hindi ko naman kasi na-

experience ‘yung taray na ‘yun. Hindi ko alam, sa akin laging sweet si Mary. So, siguro hindi ka naman puwedeng mag-taray nang walang dahilan. So, kung natarayan ka, na-experience mo ‘yung taray na ‘yun, siguro may nagawa o nandu’n sila sa sitwasyon na kataray-taray. Otherwise, wala naman taong gustong nagagalit, ‘di ba? Para kang sira ulo. Ako naman nagagalit din ako madalas kapag may mga mali. Kung ako ang pamimiliin mo, ayaw kong magalit. Ayaw ko ng stress, pero kung hiningi, ibibigay ko naman ‘yan,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

12 thoughts on “Direk Wenn Deramas, patutunayan na may kinang pa rin si Maricel Soriano

  1. Wenn Deramas 1 kng 2nay n kaibgan n Maria kya slamat po…..tma sbi nyo Maria is a diamond star kya khit kailan d mwwala ang knyang kinang lalo n s gling s pgarte…sna po mbigyan nyo sya ng mgandang project kc kmi mga fans nya d nwwalan ng pgasa n aangat ulit sya. … 2lad nun movie nya Yesterday Today nd Tomorrow kng d un n dis qualified s awarding nyts tyak dmi pnalunan un kc npakagandang movie at tlga nkkarelate s 2nay n buhay…. d s ayaw ko k Vice pro prang d nmn ata bagay n mging nanay n Vice c Maricel kc d nmn ktandaan p c Maricel pra mging anak c Vices, opinion ko lng po….. looking forward s movie n Maria…..God Bless po

  2. Basta ako, watch ko ang movie na ito. Mukhang maganda at nakakatawa basing fom the pics sa facebook. At ang mga outfits ni Marya, Oh my mama mia…super panalo!
    Masisilayan natin ulit ang galing ni Mary sa comedy.. Diamond Star is here to stay.
    Sa mga nega at bashers…eat your hearts out..hahaha.

  3. Maricel Soriano is Maricel Soriano! Her talent and dexterity is next to none. Her brilliance is touted to envy by many. Ang diamante ay diamante! Hindi malalaos..hindi kukupas! Period! ;) Go inay marya! You’re still one of the greatest actress ever born to be in silver screen of all time! I love you no matter how bad they are to you…still you’re my finest idol! Sa totoo lang, kung tatanungin ang film critics sa kasaysayan ng pelikulang pilipino kung sino ang top 3 na pinakamahusay na aktres…hindi mawawala sa top2 or 3 si inay! (Laging top 1 si Nora which is admittedly unarguable for discussion). Yan ang katotohanan at hindi na mabubura yan! Stay healthy…more power and more success to come to the one and only La Soriano of Philippine Cinema! :D

  4. kahit ano pa ang sabihin ng mga naninira o mga basher ni inay maria…we still here and always supports her….kaya  aabangan namin yung mama mia nila ni uge…..we love you ”the one and only diamond star ”…..

  5. Sa mga nag co-comment ng hindi maganda rito…isa lang ang bumabalot sa katawan ninyo —> B-I-T-T-E-R!…he’ he’ he’ he’

    • Kuling – Kuling na may tuliling na tukling…mapang husga ka masyado Bakla!…bakit ikaw good person ka rin ba?…..Hindi siguru!

  6. pinanood ko ang movie ni Diamond Star Maricel Soriano noon at magpahanggan ngayon. Wala akong pakialam sa mga nega nega na yan basta ako manood ng mamma mia.

    • AY OH, HONGTARAY NI ATENG! HAHAHA. AKO RIN, WATCH KO RIN SYA. QUEBER ANG MGA ISKANDALO AT INTRIGA. HAHAHA

  7. dahil sa mga kanegahan niya hindi na maibabalik pa ang kinang ni maricel haha! kung may kinang man siya yun au kinang ng pagkalaos

    • Putrizka….bakla ang alam ko yong idol mo ang LAOS, hanggang press release lang sya na mag-ka-movie sya..Kaya hanggang ngayon, Nga-Nga pa rin ang Idol mo…e’ ang Diamond Star isang movie with Eugene Domingo and then meron pa syang movie with Vice Ganda…Kaya sino ngayon ang “LAOS”? e de sino pa yong IDOL mo!…Bwahahahhahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.