Direk Wenn Deramas, nilinaw ang mga isyu kay Maricel Soriano

SA ISA NAMING interbyu kay Direk Wenn Deramas, napunta ang usapan namin kay Maricel Soriano na lately ay may mga matitinding isyung kinasasangkutan. Hindi humaharap ang aktres sa media para magbigay ng pahayag tungkol sa mga negatibong usapin about her kaya bilang kaibigan ni Marya, si Direk Wenn tuloy ang natatanong.

“Ayan na nga ba! Ano naman ang kinalaman ko d’yan?” natawa niyang reaksiyon.

Pero sa pagkakakilala niya sa binansagang Taray Queen, magagawa nga ba nito na manakit ng kasambahay?

“O sige, bilang naging kaibigan ko si Marya kahit matagal-tagal na kaming hindi nakakapag-usap… nandyombag ng katulong? Hindi ako naniniwala na gano’ng nandyombag. Puwedeng may talak. ‘Di ba?

“Pero ‘yong sinasabi na may amba pa ng baril? Action star agad? ‘Di ba, Diamond Star?”

‘Yong nagda-drugs daw?

“E… mas vain pa ‘yan sa salitang ‘vain’! ‘Di ba may Lysol ang mga damit? ‘Di ba may alkohol kada ano…? ‘Di ba ‘pag-tsuk ng yosi, may klik kaagad sa bibig ng kendi… may gano’n?

“Drugs?”

E, ‘yong nakita umano ng katulong na nagda-drugs sa sofa?

“Baka ‘yong katulong ang nagda-drugs?” natawang biro ni Direk Wenn. “I-check natin ‘yong  katulong, ‘di ba?

“Kasi… tingnan natin, ano na ang age ni Mary ngayon? ‘Di ba? Magpu-46 na siya. Parang malayo. Hindi ko hinuhusgahan ang hitsura ng mga adik pero… ‘yong nanunuyot na balat, ‘di ba?

“Nakita n’yo bang nag-body dancer pa siya sa Party Pilipinas? Tapos… addict? Hindi ako naniniwala.”

Depressed daw ngayon si Maricel?

“Sinong hindi? Ako kadi-depressed ko lang din, o! ‘Di ba?”

Naghihirap na raw si Marya?

“Ay, hindi po ‘yan totoo. Mapapatunayan ko ito at mapapatay ako ni Marya kasi nai-chika ko. Pero may isa kaming common friend na isa ring artista, nangailangan. Isang tawag, tinulungan niya ng malaking ha-laga. Hindi ko na sasabihin ‘yong artista. Babae siya. Hanggang do’n na lang ang sasabihin ko. At hindi utang ‘yong tulong. Bigay.

“Basta ang ibig kong sabihin, ang isang taong poor na ay hindi makakapagbigay ng gano’n kala-king halaga. ‘Di ba?”

Ibinibenta na raw ni Maricel ang kanyang bahay sa halagang P50 million?

“Baka bibili ng mas malaki? Eh, ‘di ba meron pa siyang isang bahay sa Greenhills bukod do’n sa condo niya? Meron pa ‘yong sa White Plains.”

Engaged o ikakasal na raw si Maricel?

“Kanino? Sorry, wala akong alam diyan.

“Alam mo nag-usap na nga kami ni Boss Vic (del Rosario) na may movie talaga kaming gagawin for Maricel with Aga Muhlach and Roderick Paulate. Hinihintay ko lang siyang mag-decide kasi hindi pa nga siya nagpapakita, ‘di ba?”

May balitang nasa Europe daw ngayon ang aktres?

“So… poor? Saan ka naman nakakita, nababalitang dukha pero nasa Europa?” natawang muli si Direk Wenn.

Natsismis ding may karelasyong tomboy raw si Maricel?

“Hindi ko na-meet. Hindi ko kilala. Wala akong alam. Ngayon ko lang narinig iyon sa kanya.

“Alam n’yo, tingnan n’yo ‘yong mga isyu sa kanya… drugs, may lalake, nang-u-ombag ng katulong, naghihirap na… bakit sabay-sabay?

“Hindi ba kayo nagtataka o naghihinala na may guma-gawa ba ng ganito para sa kanya? Para sirain siya?

“Baka naman kasi may nasaktan? At gustong manakit din sa kanya?” sabi pa ni Direk Wenn.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

24 thoughts on “Direk Wenn Deramas, nilinaw ang mga isyu kay Maricel Soriano

  1. Wapak na wapak ka direck!!!! Ganyan ang mga sagot diba. While reading this article, napaisip nga tuloy ako if totoo talaga yung binibintang kay Ms. Maricel…. parang andameng punto ni Direk Wenn sa mga sinabi nya…. Bakit nga ba sabay-sabay lumabas yan…

  2. Mutual and agreement ng abs at inay. So I dont think may kinalaman ang pulitika dito. D TAMANG MANIRA NG TAO NG HINDI NINYO KILALA. May panahon sa lahat ng bagay. And I think Inay will answer allegations according to her perspective. She knows it very well than us because we are not in her world. Although people are eager to see her.
    WE TRUELY MISS INAY………THE BEST ACTRESS IN ALL FIELDS……..

  3. sino nman kaya nag nambugbog sa mga katulong sa loob ng bahay ni maricel, mga multo? may mga pasa ang katulong at bakit hindi sagutin ni maricel ang mga akusasyon sa kanya, pinalalamig ang isyu para malimutan. at direk deramas wala ka nmaan don sa bahay ni maricel ng nangyari ang mga pagmaltrato sa mga katulong at obvious na wala kang comunication or alam sa mga pinag gagawa sa buhay ni maricel kasi puro ka ” wala akong alam jan” so shut up !

  4. thanks direk!maricel needs a break from all this!kamamatay lang ng mommy nya, kung depressed man she needs help and not insults

  5. nakikisawsaw ka na naman baklang direktor kwah! manchupa ka na lang ng mga artista pero siguraduhen mong pag nag uwe ka ng lalake sa haus mo, di ka sasaksakin gaya ng baklang ricky rivero! hahahaha sa pwetpek ka lang pasaksak wakwak na baklang direktorkah!

  6. Pahabol pala, libel ba yon na case? Kasi di ba ang libel is sinabi while young sinulat, anong klaseng kaso yan?

  7. At Shebie agree ako sa yo, sinulat ngayon sa Hatawtabloid.com about a blind item na palagi daw sinisiraan ni bubonika si Ms. Claire dela Fuente sa column nya. Nagsalita na si Ms. Claire that she is now in the talks with her lawyer for a 50 million lawsuit against this mean bubonika reporter and the sinabi sa hatawtabloid.com that natakot daw itong si bubonika at hindi na sumulat ng paninira kay Ms. Claire at minimention din sa writer ng hatawtabloid in blind item na ito daw si mean bubonika ay palagi daw sa court dahil sa palaging nag issue ng check with insufficient funds. Sana ituloy ni Ms. Claire ang demanda para mataohan ang mean reporter na ito, it would have been a clear case of libel kasi in print pa kasi sa column nya isinulat, natakot siguro si mean reporter at hindi na nanira kay Claire. Naalala siguro ng mean bubonika writer na ito when she had to pay one million pesos to Annabel Rama for similar case, parang libel ata yon?

  8. Magaling na artista si Maricel Soriano at matulungin na tao dahil kung hindi sa kanya ay nasa kulungan pa rin si Janice Jurado…

  9. @ateNoy ay abnoy” – talagang ABnoy ang Ate Noy mo, katulad mo. presidente nyo nga ng bansa ninyong nanlilimahid sa dumi, gaya ng pagkatao mo! bwahahahaha

  10. Walang kakwenta kwenta ang comment ni atenoy. E asan ngayon si EDU? asan ngayon si CESAR? Nag kanguso network?Asan na ngayon? Idagdag mo pa si Claudine! nalanta ang career! O ayan lilipat si Edu sa TV5. Walang maibigay na matino. isip isip ha? Kampi lahat sa iyong abnoy atenoy ang news ng ABS? Abnoy ka talaga. gustong sumikat! hahahaha!

    FAN ka lang at mananatiling FAN ng industriya. hahahaha!

  11. parang naka-drugs itong si direk. kung ano anong binabanggit na mga bagay na paiwas sa totoong isyu. kilala daw niya si maricel….tapos sasabihin niya, wala siyang alam sa mga importanteng issues tungkol kay maricel! anobayan!!

  12. ndi na kukunin ng abscbn c maria. lahat ng mga ndi maka PNoy Abnoy Aquino, hindi ni-renew contract. remember edu? cesar montano? kaya lahat ng news sa abs kampi lahat sa akin! bwahahaaha!

  13. mam charo PAKIBALIK NA SIYA SA ISTASYUN NIO…..MARAMI NA NAKAKA MIS KAY INAY…..KAMI DITO SA UAE AT PINAS……SHE DESERVES YOUR SUPPORT THIS TIME…SHES BEEN A QUEEN WHEN ABS WAS JUST STARTING AFTER MARCOS REGIME. SHE HAS THE HIGHEST SHARE OF AUDIENCE AND TILL IN THIS GENERATION….

  14. panalo talaga si derek wenn….may naninira talaga kay inay…and eventually she will come out in a VERY SHINING MOMENT.

  15. Iyan talaga si Cursety Fermentation, walang paninindigan, walang isang matinong salita, kung mabango pa ang isang artista anak anakan niya, kung magka problema na ang artista, siya na ang number one na sumisira nito. Itong Lucifer na ito is a TOTAL SHARK!!!!!! May karma, Lord please give her the karma sooner para matino at mabawasan ang mga masamang tao dito sa mundo. She is a disgrace to the showbiz industry. Hindi siguro alam ito ni Mr. Pangilinan ang mga pinagagawa nito sa kanyang network, giving his network a very bad name. Anybody in the Phils., please send a letter or something to Mr. Pangilinan to let him know this Lucifer is ruining the name of his Network. Pleasssseeeee people……

  16. NAPANSIN NYO BA KUNG PAANO SIRAIN NI CURSETY FERMENTATION SI MARIA SA COLUMN NIYA EVERYDAY? AT SINO BA ANG NILAPITAN NG MGA KATULONG? SA TV5 DIN KAY TULFO. DATING TALENT SI MARIA NG TV5, BAKA MAY FALLING OUT TALAGA AT GANYAN ANG TINDI NG DEMOLITION JOB SA KANYA. MAGALING NA ACTRESS SI MARIA FOR SURE BABALIK YAN…………..MABUHAY KA TARAY QUEEN!!!!!!!!!!!!!!!!AT ANG NAG IISANG DIAMOND STAR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.