Direk Wenn Deramas, may inirekomendang direktor para kay Vice Ganda

Direk Wenn Deramas, may inirekomendang direktor para kay Vice GandaInihatid na sa Himalayang Pilipino si Wenn V. Deramas last Sunday, March 6, katabi ng kanyang mapagmahal na ina. Kumpleto ang buong production staff ni Direk na pamilya ang turing niya sa mga ito, ABS-CBN family, mga kaibigan at kapatid.

Ayon kay Elmer Despa (cameraman at kaibigan ni Wenn) , tuloy pa rin ang nasimulang experimental TV show ni Direk Wenn for ABS-CBN. Sa ngayon, hindi pa nila alam kung sinong director ang ipapalit sa naiwang TV project ng yumaong box-office director.

Maging ang movie project ni Vice Ganda na si Wenn sana ang magdi-direk ay wala pang kasiguruhan kung itutuloy pa. This year, dalawang pelikula sana ang naka-schedule na gagawin ng magaling na comedian. Excited pa naman ang yumaong director sa project nila ni Vice Ganda dahil mermaid ang magiging papel ng box-office comedian. Mapaglalaruan ni Direk Wenn Deramas ang bawat eksena, pati ang dialogue.

Ngayon pa lang, nag-iisip na ang Star Cinema at Viva Films kung sinong director ang puwedeng mag-level-up sa husay at galing ni Wenn V. Deramas as a comedy director.

Minsan sa aming kuwentuhan ni Direk Wenn, tinanong namin siya kung sino sa mga comedy director ang gusto niyang makatrabaho ni Vice Ganda. Si Cris Martinez ang mabilis niyang sagot sa amin. Naaliw kasi siya sa mga pelikula ni Direk Cris dahil hindi raw pilit ang mga comedy scenes nito, may puso ang pelikula, at sa tingin daw niya, may chemistry sina Vice at Direk Cris.

Inirekomenda ni Direk Wenn ang magaling na director kay Vice, pero ang sagot niya sa box-office director, hindi pa raw ready si VG na magpa-direk sa ibang director.

Ngayong nasa heaven na si Wenn V. Deramas, sino kayang director ang gusto ni Vice Ganda na mag-direk sa kanya? Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.