Direk Wenn Deramas, handang makipagsuntukan kay Jobert Sucaldito!

TALAGA? NAG-AWAY-AWAY SINA Ate Gay, Teri Onor at Phillip Lazaro na nagkabatuhan pa ng mga bote at nagkatauban pa ng mesa?

Ano’ng pinag-awayan?

Simple lang daw at ewan kumba’t nagkapikunan.

Ang topic of discussion nila ay sino ang laos at hindi pa laos sa kanila.

NAMATAY NA AGAD ang isyung webcam scandal ni Mark Herras. Ang bilis ng “pahinga,” ‘no?

Ang dapat gawin na lang siguro ni Mark ngayon ay mag-ingat. ‘Wag nang makipag-chat with webcam.

Kung hindi man talaga siya ‘yon, o at least, meron na siyang warning. Pero kung siya man ‘yon, tagumpay ang kanyang pagdedenay.

Saka “behave” na muna sa “pakikipagtsugihan.” Kasi, baka merong babaeng magpa-churva sa kanya para lang mai-compare ang notes na nakita nito sa kumalat na eskandalo.

Eh, ang nakakalokah, baka mapatunayan ng girl na siya nga ‘yon, naku, patay, isyu na naman ‘yan.

Kaya isang pang-awat din ito sa “pag-iinit” ng katawan ni Mark.

NAKAKALOKAH, PAGKATAPOS MAGBATI at maging best of friends sina MTRCB Chairman Laguardia at Vice Ganda ay “hamunan” naman ang sumunod.

‘Yan ay sa pagitan nina Direk Wenn Deramas at Jobert Sucaldito.

Sa victory party ng Petrang Kabayo na patuloy pa ring pinipilahan ngayon ay namumula na sa galit si Direk Wenn, dahil na-provoke siya ng isang tanong tungkol sa kasamang si Jobert.

“Sinulat ba naman niya na flop ang ‘Petrang Kabayo’ at pati sa radio program niya, ‘yun din ang sinabi niya. Eh, Ogs, alam mo naman ang totoo, ba’t kailangang magsinungaling?

“Okay lang sa akin na sabihing pangit ang pelikula ko o tirahin mo ako, wala akong pakialam, eh. Pero ‘yung talagang naninira ka na lang, teka muna.

“Kaya ako, since ang tagal ko nang walang praktis, sabihin lang niya kung saan, suntukan kami!”

Sa totoo lang, mas gusto naming maging “peacemaker” kesa painitin pa ang ulo ng dalawa naming kaibigan, kaya sabi namin, kung napag-ayos namin sina Chairman Laguardia at Vice Ganda, eh, sana, maging successful kami na maayos ang dalawa.

Maliit lang ang industriya para mag-away-away pa. Kalokah!

AT DAHIL NAKA-P107 million in six days lang ang Petrang Kabayo ni Vice Ganda, inihahanda na ang next project ng Viva na hindi pa namin masabi kung ano ang kuwento, dahil bonggang-bongga.

Pansamantala, du’n sa mga nakaka-miss kay Vice Ganda at gusto n’yo siyang mapanood nang personal, watch lang kayo ng concert niyang “May Nag-text: Sampol! Sampol! Sampol!” sa Metro Bar, West Avenue on Oct 23, Saturday at 8:30pm.

Promise, mag-e-enjoy kayo, dahil ang lola n’yo, hahataw nang bonggang-bongga with the XB Gensan with the Mortal Kombat & The Showgays.

“At abangan nila ang loveteam namin ni Kean Cipriano. Lalo na ‘yung mga sumusubaybay sa aming twitserye. Baka rito lang, magkaroon na ng kissing scene! Ha-ha-ha!”

For ticket reservation: 0927-7862636.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

19 thoughts on “Direk Wenn Deramas, handang makipagsuntukan kay Jobert Sucaldito!

  1. Bakit ang si Jobert merong crab mentality. Imbis na masaya laging naninira pero ang mga sinisiraan niya naman puro sikat at di naman mapapantayan lalo pang nagiging successful like Willie Revillame and Vice Ganda. Yung hitsura ng mukha niya ganoon din ang ugali niya. Dapat magbasa siya ng positive books at later on kababato niya at super crab mentality niya kalalabasan niya JOBLESS siya… Boomerang lang naman kalokah

  2. si jobert ba iyong isinugod sa ospital noon dahil naputol or hindi matanggal ang pipino sa pwet niya? honestly sobrang lamig ng sinehan dahil halos wala namang nanonood ng petrang kabayo kaya paano naka 107 million?

  3. Ay naku, natandaan ko yong isa pang BI na tungkol sa isang ina na sya daw ay nanay nanayan sa kanyang mga alaga as in mga anak na she treated daw her mga alaga na parang hayop ba yon? Yong last name daw ay nasa first 7 letters of the alphabet. The 7th letter is G so parang si Annabel Gutierez yata? OMG did you see her interview that she said mukhang pera daw sya? At nagalit sya ni Heart E. dahil si Heart ay hindi na raw mag renew sa kanya bilang isa sa mga talent nya. Annabel I think need some growing up to do, sorry ho Peace:) opinion ko lang ho!!! Peace ulit Annabel :)

  4. Pakisingit ho, sorry off topic na naman ito, pero napanood ko ang E-Live kanina ni Ogie Diaz at ito na naman ako, naghingi ng answers sa kanyang mga BI whoever knows the answers please. Salamat. Apat yata yong BI. Parang nakuha ko yong isa na ang BI was about a mother and an actress na hindi makarating sa set, parang si Andi Eigenman yon, para lang. Yong tatlong BI hindi ko na makuha. Teka, I think yong Actor Politician na gusto ng massage na unprofessional parang si Patrick dela Rosa yata sa tingin ko. Iyong actor na dumaan sa bading bago pa siya sumisikat hindi ko alam at yong isang BI nakalimutan ko na. Anybody knows the answer? Salamat!

  5. wala kasi sa bibigyang balato at regalo si Sucaldito, nalaman kasi in advance dahil wala siya sa listahan, nagalit kaya hayon, bumawi sa radio at tabloid.

  6. okey lang n magsuntukan yan cl sulcaldito at wenn deramas dapat yon NGUSO n sucaldito ang tamaan s sobrang kadaldalan ng madala yan, C SUCALDITO ANG DAHILAN NG AWAY NG ABS CBN at n willie cy ang punot dulo ng lahat kaya dapat kinastigo in ng abs cbn ewan nga lang b bakit k willie lang nagalit ang abs samantalang kaya nagalit c willie kc s pang iinsulto ng sucaldito nyan dapat nga idimanda yan eh. cege direk wenn upakan mo bibig ng sucaldito nyan para wala ng insultuhin yan.

  7. Si Sucaldito, Sucaldoon at si Wenn magsusuntukan? Baka magsasabununtan believable pa. Imagine 2 bakels magsusuntukan eh ang lalantik ng mga daliri at kamay nila, paano iyon?

  8. HOY! bakit nyo isinali ang Kristine sa Poll nyo? e ang ganda ganda ng kristine! kakaiba! kung sino mang nagsali, TANGA! mas maraming pangit na show ang dapat tanggalin lalo na sa gma7 kesa sa kristine!!!

  9. I never liked Jobert! gago yan! nakatakas yan sa mga kasalan nagawa nya sa wowowee.. I don’t like willie too but Jobert managed to ran away from the issue!

      • tita mary, pag may movie kasing ginagawa si direk wenn deramas aasahan mo ng kasama si DJ durano sa casts. understandably because DJ is direk wenn’s talent.. yon nga lang, medyo obvious na most of the time ay parang pilit lang ang role ni DJ in any movie na para bang pinagbigyan lang yong hilig ng mama. their manager-talent relationship kasi has been intrigued as lovers.

      • lol eto talagang si tita mary may pagka slow minsan hihihi!peace tita mary..nag asked ka na din skin one time eh! muahhhz! ahahahha

      • Sorry angel, talagang sometimes hindi ko ma gets right away, eh ano pa bang maaasahan sa mga gurang na katulad ko he! he! he! :) Bago lang kasi akong nag join dito sa mga comments at naaaliw talaga ako kasi marami akong nalalaman dito sa mga showbiz news. Angel, isang question ulit, sorry, peace, pero ano bang meaning ng churva-churva ba yon? Ano ba yon, narinig ko si Cristy Fermin sa Juicy na nagsabi na churva-churva. Sorry hindi ko talaga ma gets kong anu yon. Peace. :) Thanks.

      • Ay ganuun ba, salamat sa explanation. Gets ko na at last. Bago lang kasi akong nag join dito sa parazzi, gusto ko dito kasi marami akong nalalaman na news dito sa showbiz. Salamat ulit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.