Direk Wenn Deramas, galit na galit sa isang blog – Ogie Diaz

NAGPUPUYOS SA GALIT si Direk Wenn Deramas dahil sa isang artikulong ifinorward sa kanya sa kanyang facebook account. Merong isang blog na hindi niya alam kung sino ang sumulat.

Basta ang pangalan ng blog ay “Lilok Pelikula” kung saan puring-puri nito ang pelikulang Kimmy Dora ni Eugene Domingo.

“Ako, kung me pelikula ako, tapos, lalaitin mo, okay lang, eh.  Pero ‘yung hindi ko naman pelikula at pupurihin mo ang pelikula at my expense, teka muna.  Tama ba ‘yon?

“Pinuri-puri ang Kimmy Dora, fine.  Maganda naman talaga.  Aba,eh, sabihin ba naman ng sumulat na sana, eh, matuto ako ke Direk Joyce Bernal?

“Teka, hindi ako kasama sa pelikula para idamay pati pangalan ko.”

Sino ba ang sumulat?

“Hindi ko nga alam, eh.Kung kilala ko lang ‘yon, hinahamon ko, sasapakin ko, eh!”

O, di ba, palaban si Direk Wenn? Boksingerong-boksingero ang dating.

Kimmy Dora, nakakaaliw!

IN FAIRNESS, NAPANOOD namin ang Kimmy Dora  at nakakaaliw siya.  Hindi siya nakakainip.  At very natural ang comedy sa mga eksena.  Napanood pa namin ito sa SM San Fernando.

At doon namin nalaman na 100 pesos lang pala doon ang bayad sa sine, hindi katulad dito na 130 hanggang 160 ang pay mo sa sine.

Si Eugene talaga, ang husay niya sa dalawang characters.  Inisip nga namin kung sino pa ang isang bagay sa dual role na ‘yon, eh.  Parang si Rufa Mae Quinto ang swak na swak sa role.

Kung hindi n’yo pa napapanood, watch na kayo, hindi n’yo pagsisisihan.

‘Wag nyong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Young actor, hindi raw pumapatol sa bading?

Oh My G! by Ogie Diaz

loading...

21 thoughts on “Direk Wenn Deramas, galit na galit sa isang blog – Ogie Diaz

  1. Direk Wenn, kumikita nga pelikula mo pero puro panlalait naman natatanggap mo kasi Pangit movie mo. at least ung kimmy dora ni joyce bernal kumikita na pero positive feedback pa. panalo….

  2. Napanood ko KimmyDora, ang ganda…totoo naman ata ung sinabi ng nag blog eh. Dapat talaga matuto si direk wenn kay Joyce Bernal. Sobrang OA, Corny saka Pangit na kasi lately ung mga pelikula ni Direk Wenn eh. Sorry po, nag sasabi lang ako ng opinion ko.

  3. Naku! naman bakit nagpapaka-OA si Direk Wenn, hinde naman kaya, may galit pa rin siya kay Piolo dahil pinaki-alaman lang naman noong “Walang Kapalit Days” ni Papa P, ang dyowa niyang si DJ DURANO…

    Tanong lang po, bakit kaya pag- Si Direk Wenn ang nag-didirect ng isang proyekto, eh hinde mawala wala ang pangalan ni DJ DURANO sa billing… Anong kayang meron? nagkaka-taon nga lang ba? O baka naman pilit niya talagang pinasisikat ang dyowang infairness YUMMY naman…

    Kaya naman hinde ko rin masisisi si Papa P na patulan ito…kasi nga, talagang YUMMY…

    • Asa ka pa. Maski anong gawin mong paninira, walang maniniwala sa iyo. Bayaran ka ba ni alfie Lorenzo o kayo na ni Alfie siguro. Di bah?

    • ang sarap sarap ng pagka-bitter mo…sige pa

      gawa ka pa ng maraming accounts, pwede ng isabay sa adobo ang bitternes mo hahahhaa.

  4. buti na lang hindi nga si wen deramas ang pinadirek sa kimi dora. dyows ko! basura naman talaga ang mga pelikula ni wen. di tulad ng pelikula ni joyce bernal. ang ganda nga talaga ng kimi dora. ang taray!

    • Tama ka. Ang lakas nang kinita nang Kimmy Dora sa takilya. Malayong malayo ang TAROT ni Marian. kaya nahuli si Marian na umiiyak. Galing kasi ni Uge. Wawang Marian.

  5. SINO YANG SI WENN DERAMAS? ANG PANGET NAMAN NIYA! SQUATTER NA SQUATTER ANG DATING TATAK ABS CBN KAPAMILYUCKS…. EWWWWWWWW

Leave a Reply

Your email address will not be published.