Direk Wenn Deramas at DJ Durano, nagkabalikan na

Wenn-Deramas-DJ-DuranoTOTOO, NAGKAAYOS na sina Wenn Deramas at DJ Durano, friends na uli sila. Hindi basta-basta maitatapon sa basurahan ang sampung taon nilang pinagsamahan. Katunayan nga, nang malaman ng actor na na-hospital ito (at nakalabas na), Tinawagan agad ang mga kaibigan nila ni Direk para alamin ang kalagayan ng award-winning director.

Agad-agad na pinuntahan ni DJ ang location shooting ng GBBT para personal niyang malaman mismo kay Direk Wenn ang totoong kundisyon nito. Nasa Japan kasi ang actor/singer for a series of show nang ma-hospital  ang kanyang special friend.

Nang bumisita si DJ sa set, nagkataon namang nasa St. Luke’s Medical Center si Direk Wenn for check-up. Hindi man nagkita ang dalawa, nalaman nitong okay na ang kalagayan ng kanyang kaibigan kaya’t masaya itong umalis, kuwento sa amin. Kasama sa pelikulang GBBT si DJ, mismong si Madam Charo Santos ang nag-request na isama sa cast ang magaling na actor dahil lucky charm ito ni Direk Wenn na sinang-ayunan namin, totoo naman.

Kahit okay na si Direk Wenn at balik-trabaho, parang may kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang sarili na hindi niya maipaliwanag. Pati nga pagligo niya, kailangang may nakaalalay baka raw siya matumba. Kung minsan kasi nakararamdama ito ng hilo. Madali na rin siyang mapagod, tipong mahina pa rin ang kanyang resistensiya. Wala naman daw masabi ang doctor kahit dumaan na ang box-office director for a series of test.

Nasabi ni Direk Wenn na gusto niyang magbakasyon sa Palawan kahit one week lang kasama ang kanyang dalawang anak. Kailangan talaga nito ang magbakasyon.

“Sa ngayon, hindi pa puwede dahil kailangan kong tapusin itong pelikula ni Vice Ganda na entry sa MMFF this December. Pagkatapos nito, sa “Galema” serye muna ako magko-concentrate hanggang matapos at saka na lang ako gagawa ng pelikula. Magpapahinga muna ako,” pahayag niya.

 

SPECIAL ANG naging presentation ng ‘ASAP 18’ last Sunday. Nag-reyna ang world-class Pinay beauty queens sa pagrampa ng Miss Universe runner-ups na sina Venus Raj at Samcey Supsup at 2013 Miss Supranational na si Mutya Johanna Datul.

Bukod sa pagbisita ng naggagandahang beauty queens, lalong nagiging maganda ang Christmas countdown ng TV viewers sa bonggang birthday bash para kina Vina Morales, Angeline Quinto at Enchong Dee. Star -studded na Christmas gift naman nina Jaime Rivera at Arnel Pineda; at sa bagong count spectacle ni Jed Madela para sa kanyang upcoming na ‘X: Jed Madela’s 10th Year Concert.’

Kinilig naman ang mga fans sa ‘ASAP18’ centerstage sa special production number ng hardcourt hearttrobs na sina Arnold Van Opstal at magkapatid na Jeric at Jeron Teng. Tinilian ang ginawang paghaharana ng ilan sa Kapamilya leading man na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Xian Lim, Enrique Gil, JC de Vera, at Jake Cuenca. Sa grand thanksgiving at farewell ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng lead actors na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz, bakas sa mukha nila ang kalungkutan dahil hindi ito tinangkilik ng manonood.

May special production number din ang The Voice of the Philippines finalists na sina Janice, Radha, Klarisse de Guzman, Morissette, at ang grand winner na si Mitoy Yonting. May ASAP segment din ang multi-media star na si Toni Gonzaga.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Direk Wenn Deramas at DJ Durano, nagkabalikan na

  1. Super yuuuuucccckkkk! Hakhakhak! Gosh, mas desperado pa pala ang Durano Dawho na itey kesa sa mga biktima ng Yolanda sa Tacloban na nangloloob ng mga tindahan. hakhakhak!

  2. hindi rin pala kayang iwanan ni dj durano si direk wenn, iba nga naman ang nagagawa ng datung noh? hahahaha! abot, abot, abot!

Leave a Reply

Your email address will not be published.