Direk Paul Soriano, tiwala kay Toni Gonzaga na hindi mapapaibig ni Binoe!

VERY SUCCESSFUL ANG two days concert ni Toni Gonzaga sa Music Museum last Friday at Saturday.

Nu’ng second night nandu’n kami at nasaksihan namin ang dami ng taong nanood at true na nag-enjoy sila sa show.

At after nga ng concert ay pinuntahan namin sa backstage ang Multi-media Star para makausap.

Nakatsika rin namin ang mommy ni Toni na si Mommy Pinty.

Kelan ba ang next?

“Naku! Pag-uusapan pa ‘yan at siguro sa Araneta na!” Sey ni mommy.

Ilang bess na rin namang nag-concert si Toni at lahat ay puro successful. Wala siyang record na nag-flop na concert.

Kundi raw ngayong taon na ito ay malamang na sa darating na February next year magaganap ang malakihang concert.

Habang nagpapahinga si Toni ay naitanong namin kung kailan naman magsisimula ang kanyang pelikula?

“Baka sa March 15 magka-story conference ng movie with Robin Padilla. Marami pang binabago sa script, e. Basta tuloy,” sey ni Mommy Pinty.

Nasa tabi rin namin ang boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano na ang guwapo-guwapo nu’ng gabing ‘yun.

Hindi kaya siya magselos o magbantay sa shooting ni Toni?

E, knowing Robin na halos lahat ng mga nagiging leading lady ay naiinlab at talagang matinik.

“’Yan ang test of our love,” sey niya. “Tiwala naman ako kay Toni,” nakangiti pang sabi ni Direk Paul.

“Basta ang sa akin trabaho lang,” sey naman ni Toni.

SA CONCERT NAMAN ni Myrus sa teatrino last Saturday, naging tagumpay rin at ‘dun ang simula na meron na siyang gagamiting apelyido ngayon. Myrus Ramirez na ang kanyang screen name. May repeat na sa April ang kanyang concert sa Music Museum. At dahil nga guest niya si Regine Velasquez, hindi naman nakaligtas ito na sagutin ang kumakalat na siya ay buntis na kay Ogie Alcasid.

Hindi raw siya buntis at sana nga raw ay buntis na siya. Hindi na nga raw siya bata at matanda na rin naman siya. Pero talagang hindi pa raw siya buntis ngayon.

Sa  totoo lang, marami pa nga siyang naka-line-up na show at ang nakarating nga sa amin ay apat lang ang mare-retain sa mga host ng SOP sa bagong show na ipapalit dito. Meron pa rin siyang Diva na isang kantaserye kaya naman punung-puno pa rin siya ng trabaho.
So, false alarm na naman.

BLIND ITEM: SINO itong guwapo at maganda ang katawan na singer-actor na kasama sa ASAP XV na lilipat na ng TV5 para sa isa ring pang-Sunday show.

Kalokah, ganyan sa showbiz, lipatan nang lipatan at ‘yan ang uso ngayon.

Hindi kaya sumunod ang isang singer-actress sa kanya? Magkasabay pa naman sila nang pasukin ang showbiz.

O, knowing n’yo na ba?

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

8 thoughts on “Direk Paul Soriano, tiwala kay Toni Gonzaga na hindi mapapaibig ni Binoe!

  1. Sus. Si Paul mas bata, mas guwapo, mabait, matalino, disente, Kristiyano, walang ibang responsibilidad, nanggaling sa matinong pamilya, at mapapagkatiwalaan pang di mangangaliwa. Bakit pipili nang mas walang kwenta si Toni??

  2. i agree w/ chie334..
    TONI have her own name bago p dumating c sam!!!!
    and i dnt think toni will transfer..she clear that issue b4..marami p syang projects n gagawin s abs..album and up coming movie w/ robin..

  3. baka si mark bautista? silang dalawa ni sarah ang magkasabay na pumasok sa showbiz. di naman magkasabay si sam and toni. mas nauna ng matagal si toni kesa kay sam.

Leave a Reply

Your email address will not be published.